Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald Santos, well applauded sa unang pagsalang sa Miss Saigon
Gerald Santos, well applauded sa unang pagsalang sa Miss Saigon

Gerald Santos, well applauded sa unang pagsalang sa Miss Saigon

SOLD out ang unang pagpapalabas ng Miss Saigon sa Curve Theatre, Leicester, UK na tinampukan ng tatlong Pinoy na sina Red Concepcion (TheEngineer), Joren Bautista (Kim, alternate), at Gerald Santos (Thuy).

Ayon sa manager ni Gerald na si Rommel Ramilo, maganda ang first preview at marami ang nanood.

“He (Gerald) was personally greeted by (Cameron) Mackintosh sa after party nila! Sinabi nitong, ‘You’re first entrance is always great! But you’ve gained the authority of Thuy! And I think that’s fantastic!’” pagbabalita ni Ramilo.

READ MORE:  Dingdong, gusto nang magka-anak agad kay Marian

Sinabi pa ni Doc Rommel na sa July 10 pa ang press night at doon pa maglalabasan ang reviews.

“But well applauded si Gerald during the curtain call. Sana magdire-diretso  ‘yung magandang performance n’ya,” masayang pagbabalita pa ng manager. “Sobrang nakakapagod daw sabi ni Gerald, ‘yung rehearsals at ‘yung mismong show, pero mas magiging magaan na sa mga susunod kasi mismong show na lang.”

READ MORE:  Bembol at Christian, palarin din kaya sa 33rd PMPC Star Awards For Movies?

Kaya naman humihingi ng patuloy na pagdarasal si doc Rommel para kay Gerald para patuloy na magampanan ni Gerald ang papel ni Thuy.

Napag-alaman pa naming araw-araw ang show nila. Eight performances a week at gagawin nila ito hanggang July 22 at saka naman lilipat ang mga ito sa Birmingham at pagkaraan ay sa Dublin, Ireland.

READ MORE:  Aktres, pumatol sa kasamahang actor kaya hiniwalayan ng BF actor

Congratulations kay Gerald at sa iba pang Pinoy na kasali sa Miss Saigon. Binabati rin namin ang manager ni Ge na si Doc Rommel dahil alam naming siya ang pinakamasaya sa magandang nangyayaring ito sa kanyang alaga.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved