Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aljur, nag-go-see sa ABS-CBN; GMA, ‘di na siya ini-renew
Aljur, nag-go-see sa ABS-CBN; GMA, ‘di na siya ini-renew

Aljur, nag-go-see sa ABS-CBN; GMA, ‘di na siya ini-renew

HINDI na ini-renew ng GMA 7 ang kontrata ni Aljur Abrenica pero nakita siya noong Friday sa bakuran ng ABS-CBN 2. Ayon sa aming source, nag-go see ito para sa isang project.

Ang tanong, makapasa kaya sa audition?

READ MORE:  Sunshine at Teresa, nagpupuyos sa galit: ‘Wag n’yong idamay ang aming mga anak!

Ayaw naman magdetalye ni Aljur at ang sabi ay napadaan lang.

Ngayon lang nakita ulit si Aljur pagkatapos manahimik at mabuntis ang kanyang girlfriend na si Kylie Padilla.

Pero ayon sa rati niyang ka-loveteam na si Kris Bernal, nakausap niya si Aljur kamakailan. Happy ito at itinuturing niyang bagong challenge sa buhay niya ang pagkakaroon ngayon ng mabigat na responsibilidad.

READ MORE:  Gerald, nagpaiyak sa MMK

“Hindi  siya nagsisisi kasi sabi niya sa akin talagang mahal na mahal niya si Kylie. So, talagang kung gagawa rin siya ng pamilya, at gusto niyang makasama forever, sinabi niya it’s really Kylie naman talaga,” kuwento ni Kris.

READ MORE:  Kim at Xian, magsasama sa PMPC’s Star Awards

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved