Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Katski Flores, ‘di mahilig sa horror film
Direk Katski Flores, ‘di mahilig sa horror film

Direk Katski Flores, ‘di mahilig sa horror film

NABAGO ang paniwala ni Direk Katski Flores ukol sa horror film nang i-offer sa kanya ang Ang Pagsanib Kay Leah Dela Cruz ng Kamikaze Pictures, Vivia Films, at Reality Entertainment.

“I don’t think I’m the right director for this,” saad ni Direk Flores dahil aminado siyang hindi siya fan o mahilig sa mga horror film.

Nabago lang ang paniwala niyang ito nang mabasa ang script. ”The story drew me in, and I saw something beyond the scares. Exactly as Erik Matti promised.”

Ani Direk Flores, isa pa sa rason kung bakit ayaw niya ng horror ay dahil ayaw niyang natatakot.”But I saw something real and relevant. A story that reflects a lot of my own beliefs about good and bad and humanity and evil and demons, real or imagined, that wreak havoc in our universe.”

READ MORE:  Everything About Her, most important at tiyak na record breaking movie ni Vilma

Si Direk Flores ay isang prolific writer-director ng TV series na Mana Po, Lumayo Ka Man Sa Akin at ng pelikulang Still Life.

Dagdag ni Direk Flores na dark blessing ang Ang Pagsanib Kay Leah Dela Cruz. “It comes at a time in my life when the need to say something has become overwhelming. It is reflective of what I feel about so many things happing in the world, in my country and in people and humanity in general.

READ MORE:  Kapamilya leading ladies, leading men, love teams bumida sa “Just Love: ABS-CBN Christmas Special 2017" sa Araneta Coliseum (Coco muling ipinamalas ang pagra-rap!)

“And if it is true that demons and angels are locked in an eternal battle to win our souls, and we are locked in the eternal battle to choose what is good, just and right over the alternative…then it seems to me we’re losing. It seems to me that the demons are winning.”

READ MORE:  Martin, malamyang kumilos

Ang Ang Pagsanib kay Leah Dela Cruz ay ukol sa istorya ng isang batang babae na na-posses at ukol sa isang problemadong police woman na naghahanap ng katahimikan at nagnanais matulungan ang isang inosenteng napagbibintangan sa hindi namang ginawang kasalanan.

Mapanonood na ang Ang Pagsanib kay Leah Dela Cruz sa June 28 na pinagbibidahan ninaSarah Lahbati, Shy Carlos, at Julian Trono.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved