Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rodjun sa relasyong Rayver at Janine: Basta malaki ang ngiti niya ngayon
Rodjun sa relasyong Rayver at Janine: Basta malaki ang ngiti niya ngayon

Rodjun sa relasyong Rayver at Janine: Basta malaki ang ngiti niya ngayon

TINANONG si Rodjun Cruz kung mag-on na ba sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.

“Basta ang alam ko malaki ang ngiti niya sa mukha niya ngayon,” tumatawang pahayag ng actor nang makatsikahan naming sa launching ng www.successmall.biz .

Hindi pa naman mag-on ‘yung dalawa pero mukhang masaya naman  sila na lumalabas-labas.

So, boto siya kay Janine?

“Oo naman!” Mabait talaga si Janine at saka katrabaho ko siya sa  Legally Blind. Nakikita ko na napakabait niya talaga kahit sa trabaho. Kahit inaabot kami ng umaga, laging nakangiti. Mabait siya sa staff, sa crew at co-artists niya.

“At kahit sa akin, naging close kami sa six months na nagkatrabaho kami,” sambit niya.

Happy siya kung magkatuluyan ang dalawa.

“Oo naman! Kasi pareho silang…bukod sa maganda at saka guwapo, pareho silang mabait ang puso.So bagay talaga ‘yung mga ganoong tao,” deklara ni Rodjun.

Mag-oober da bakod na ba si Rayver sa GMA dahil diyan?

“Ah, siyempre decision po ni Rayver ‘yun at saka mayroon pa siyang contract sa ABS,” pakli ni Rodjun.

Kinuha rin ang reaksiyon niya na daig niya si Rayver dahil 10 years na sila ni Dianne Medina pero ang utol ay walang nagtatagal na relasyon.

“Si Rayver naman po napakabait niya, napaka-perfect niyang boyfriend. ‘Pag nag-girlfriend naman siya, parang ako ‘yun tutok talaga siya. ‘Pag nagmahal kami ni Rayver, sobra kaming magmahal,” deklara niya.

Pak!

***

IBA ang payanig at paandar ngayong Miyerkoles, June 28 sa White Bird Entertainment Bar (malapit sa Baclaran Church) entitled Wet,Wild and Hot byUnderwear Party.

Tiyak na basang-basa ang pakiramdam sa maiinit na production numbers ng mga guwapo at makikisig na modelo.

Ito ay sa direksiyon ni Locca Gretta!

For inquiries and reservation, please call, 09291282504, 09279074623, 8512088, 8512089.

***

SUPER boom ang 19th anniversary celebration ng tinaguriang Queen of Entertainment  Bar na si Mommy Genesis Gallios sa June 30, Friday, 10:00 p.m. sa The One  690 Entertainment Bar, Roces Avenue, QC in front o Amoranto Sports Complex Gate 5.

Si Mommy Gen ay kilalang director, producer, pageant host, at co-owner/director ng The One  690. Rebelasyon nga niya, mga tatlong artistang sumikat na ngayon ang naging produkto ng kanyang bar.

Inaabangan na ang kanyang pasabog na production number sa opening na fabulous. Tatak na ni Mommy Gen na lahat ng mga konsepto ng shows ay pinupuri dahil dekalidad.

Anyway, ipinagmamalaki ni Mommy Gen na 50 na kalalakihan ang magbibigay saya sa kanyang 19th anniversary sa Biyernes. Isasabay din ang Ginoong 690 Universe na puro guwapo at yummy ang mga kandidato.

Para sa ibang katanungan, tumawag sa  09267212369.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved