Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / HIV/AIDS mataas sa millennials
HIV/AIDS mataas sa millennials

HIV/AIDS mataas sa millennials

INIULAT ng Department of Health nitong in Abril 2017, 629 katao, karamihan ay millennials, ang nadiskobreng may Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Sa bilang na 629, 80 porsiyento o 513 ng mga nadiskobreng  may HIV ay kabilang sa 15-34 age group.

Ang 609 HIV victims, ay nakuha ang virus sa pamamagitan ng sexual contact, 343 o higit sa kanila ay mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Labing-walo sa kanila ay iniulat na nakuha ang virus sa pagpapalitan ng kontaminadong karayom, at may dalawang-kaso ng  mother-to-child transmission.

READ MORE:  LTFRB AT DepEd magaling lang kapag may nagaganap na trahedya at sakuna

‘Yan ang opisyal na ulat.

Pero sa impormasyon na nakalap ng Hataw, halos 27 katao ang araw-araw ay nadidiskobreng may HIV. Karamihan sa kanila ay nasa 15-34 age group at marami ang nagtatrabaho sa call center.

Kung ang mga out-of-school youth ay madalas nabibiktima ng ilegal na droga, lumalabas na young professionals (yuppies) o ngayon nga ay tinatawag na millennials ang nabibiktima ng HIV.

READ MORE:  Ginamit ang katotohanan sa pagpapalaganap ng kasinungalingan

Ang isang kaigihan para sa mga biktima ng HIV, libre ang gamot nito sa DOH.

Pero ang malungkot dito, karamihan ng HIV victims ay mga kabataang sabi nga ay dapat na ‘pag-asa ng bayan.’

Sa kasalukuyang  set-up ng lipunan, hindi na nakagugulat kung ang mga kabataan ay nasasangkot sa ilegal na droga, namamatay nang maaga dahil sa AIDS o kaya ay ‘nagbabakasyon’ na sa Bilibid.

READ MORE:  Mga aral ni Papa Francisco

Hindi kaya naaalarma ang National Youth Commission (NYC) na ang mga kabataan natin ay maagang inaagaw ng mga ganito kalalang kalagayan?!

Panahon na siguro para muling ipatimo sa ating mga kabataan na bilang pag-asa ng bayan, sila ay dapat na malusog, matalino, marangal, may pagmamahal sa bayan at higit sa lahat nanampalataya sa Diyos.

Kung hindi, ang Filipino millennials ay maagang mabubura sa kasaysayan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved