Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / BNG member patay sa tandem
BNG member patay sa tandem

BNG member patay sa tandem

PATAY ang isang 36-anyos miyembro ng Bahala Na Gang (BNG) makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Mindanao St., Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Ian Anderson Fellosas, residente sa Leo St., Sampaloc, tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

READ MORE:  Karnaper tinugis ng pulis (1 todas, 2 sugatan )
READ MORE:  Robredo desmayado kaya nag-lider sa oposisyon — Roque

Napag-alaman, binawi-an ng buhay ang biktima dakong 9:40 pm habang nilalapatan ng Lunas sa Ospital ng Sampaloc.

Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Ayon sa pulisya, dakong 7:00 pm, papunta sa isang tindahan ang biktima upang bumili ng alak nang biglang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspek at siya ay pinagbabaril.

READ MORE:  Volleyball coach, itinumba sa QC

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved