Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 miyembro ng pamilya minasaker sa Bulacan (Lola, ina ginahasa)

5 miyembro ng pamilya minasaker sa Bulacan (Lola, ina ginahasa)

MASAKER. Limang miyembro ng pamilya Dizon-Carlos ang natagpuang patay ng padre de pamilya na si Dexter Carlos, isang security guard, nang siya umuwi sa  kanilang tahanan sa Northtridge Royal Subd. Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan, kahapon ng umaga. (Kuha ni ALEX MENDOZA)

MASAKER. Limang miyembro ng pamilya Dizon-Carlos ang natagpuang patay ng padre de pamilya na si Dexter Carlos, isang security guard, nang siya umuwi sa kanilang tahanan sa Northtridge Royal Subd. Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan, kahapon ng umaga. (Kuha ni ALEX MENDOZA)

HINIHINALANG kilala ng pamilyang minasaker sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan, ang mga suspek na pumatay sa isang lola, isang ina, at tatlong bata sa loob ng kanilang bahay, nitong Martes.

Ayon kay San Jose Del Monte Police acting chief, Supt. Fitz Macariola, natuklasan ng padre de familia na isang security guard, ang insidente nang umuwi siya sa kanilang bahay dakong 9:00 am.

Hinala ni Dexter Carlos Jr., padre de familia, ang mga lalaking nakikiigib ng tubig sa kanilang bahay ang pumatay sa kanyang pa-milya. Maliit na negosyo ng pamilya ang pagbebenta ng tubig.

Natagpuan ni Carlos sa loob ng kuwarto sa itaas na palapag ng bahay, ang mga anak niyang edad 1, 7 at 11.

Habang sa likurang bahagi ng bahay ay na-kita niya ang misis ni-yang si Estrella Dizon, 35, at sa sala nadiskobre ang biyenan niyang si Auring Dizon.

“Dalawang taon na kaming nakatira rito pero wala naman ka-ming napapansin na kakaiba maliban sa mga nag-iigib (ng tubig) sa amin,” saad ni Carlos.

“Minsan dumarami silang mga lalaki na nag-iigib. Minsan nagduda na rin ako, sabi ko ‘wag na silang papasukin, ‘yung hose ilagay na lang sa labas,” dagdag niya.

Ayon sa mga im-bestigador, sapilitang pumasok ang mga suspek sa likod bahay upang gahasain ang misis ni Carlos na si Estrella, at biyenan na si Auring.

Walang saplot nang matagpuan ang bangkay ng mag-inang Estrella at Auring.

“Malamang kilala ng mga anak ko ‘yung bumanat kasi pati sila pinatay,” kuwento ni Carlos.

Hinala ng padre de familia, mga adik ang pumaslang sa kanyang pa-milya.

“’Yung bulag nga na biyenan ko, ni-rape pa e. Buti hindi naisipan i-rape ‘yung anak kong babae,” sabi ni Carlos.

“Adik kasi pati mga bata dinamay nila… One year old lang ‘yung bunso, walang kamalay-malay, hindi naman siguro niya nakita ‘yun,” dagdag niya.

Ayon kay Carlos, bukod sa dalawang kut-silyong nawawala mula sa kanilang kusina, hindi pa niya napapansin kung may ibang gamit sila sa bahay na tinangay ng mga suspek.

“Sa ngayon hindi ko pa napansin kasi hindi pa normal ‘yung pag-iisip ko. Hindi ko pa naiisip kung anong dapat kong gawin kasi ngayon, wala na e. Walang silbi na ‘yung buhay ko. ‘Yung pinakamamahal kong pamilya biglang nawala lahat,” sabi ni Carlos.

Bagama’t detalyadong nagkuwento sa media, balisa pa rin ang security guard na hinimok ang mga suspek na sumuko na lamang sa mga awtoridad.

“Kung sino man ang gumawa sana makonsensiya naman siya. Sana hindi na lang niya dinamay ang mga bata, kahit ‘yung bunso na lang ang itinira niya sa akin,” saad niya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved