Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot sugatan sa saksak ng dyowa
Bebot sugatan sa saksak ng dyowa

Bebot sugatan sa saksak ng dyowa

SUGATAN ang isang 45-anyos babae makaraan pagsasaksakin ng kanyang lasing na kinakasama nang sawayin ang huli sa pag-inom ng alak sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang ang biktimang si Maritess Sabado, 45, vendor, at residente sa A. Mata St., Tondo.

READ MORE:  Naguiat, PAGCOR board sibakin (Tadtad ng anomalya)

Habang mabilis na tumakas ang supek na si Reynald Del Carmen, 41, live-in partner ng biktima.

Base sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Station 1, naganap ang insidente dakong 4:15 pm nitong Linggo sa bahay ng dalawa.

READ MORE:  MILF report malaking kalokohan — Sen. Alan

Ayon sa ulat, maghapong nakipag-inoman ang suspek sa harap ng kanilang bahay kaya sinaway ng biktima at sinabing tumigil na dahil may pasok pa kinabukasan.

READ MORE:  Trike driver tepok sa riding-in tandem

Humantong ito sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima, at pagkaraan ay tumakas ang lalaki.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved