Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Asawa ng aktres na si Francine Prieto hindi pinapasok sa bansa dahil sa pagmumura
Asawa ng aktres na si Francine Prieto hindi pinapasok sa bansa dahil sa pagmumura

Asawa ng aktres na si Francine Prieto hindi pinapasok sa bansa dahil sa pagmumura

Mukhang malungkot ang pagbabalik sa bansa ng aktres na si Francine Prieto nang hindi payagang makapasok ang kanyang asawang US citizen na si Frank Arthur Shotkoshi, 56 anyos.

Tila natisod dahil natapakan ni Shotkoshi ang kanyang luggage kaya nagalit ang mister ng aktres.

‘Yun doon nagsimulang magsalita nang hindi maganda ang Kano.

Ang akala yata niya, security guard ang mga kaharap niyang Immigration Officers kaya pinagmumura.

‘Yun naman ang hindi puwede roon. Lahat ng mga nandarayuhan, kahit Filipina ang kanilang asawa dapat maging magalang sa bansang kanilang pupuntahan.

Kahit saang bansa niya gawin ‘yun ganoon ang mangyayari sa kanya.

Sa US baka puwede ang ganoong attitude. Ang kaso wala siya sa Tate, nasa Filipinas siya.

By the way, gusto rin natin tawagin ang pansin ng terminal manager diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Kahit ang inyong lingkod madalas na parang natitisod diyan sa escalator na ‘yan.

Napupuna kasi natin na pinapatay nila ‘yung escalator na pababa. Bakit ba nila pinapatay?!

Nagtitipid ba sa koryente o ayaw nilang ipagamit?!

Aba, e kung ayaw nilang ipagamit, tanggalin na lang, kaysa naman laging may natitisod.

Kaysa naman ganyan lagi ang mangyari tuwing may sasakay sa escalator…

Paging NAIA terminal 2 manager!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  From bus to airbus?! (Simula ng pag-angat ng laylayan ni Leni)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved