Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magkapatid na Quark at Cristalle, absent sa Belo-Kho civil wedding
Magkapatid na Quark at Cristalle, absent sa Belo-Kho civil wedding

Magkapatid na Quark at Cristalle, absent sa Belo-Kho civil wedding

MRS. Victoria Belo-Kho na ngayon ang kilalang beauty doctor of the stars dahil ikinasal na siya sa long time boyfriend at ama ng anak niyang si Scarlet Snow Biyernes ng tanghali sa bahay nila sa Dasmarinas Village, Makati City.

Ang Mayor ng nasabing lungsod na si Ms. Abby Binay ang nagkasal sa dalawa sa pamamagitan ng civil ceremony at si Scarlet Snow naman ang flower girl.

READ MORE:  Ang 20 years na panghaharang ni Bubonika!

Nakita namin ang IG post ni Dra. Belo 30 minuto ang nakalipas bago namin sulatin ang balitang ito.

Base sa IG post ni Belo, ”I was afraid that I would feel like I would lose my freedom by getting married. Instead I feel joyful and free. Thank you #mayorabbybinay for officiating our civil wedding.”

READ MORE:  Alden, naospital na naman

Hindi naman namin nakita ang mga anak ni Vicky na sina Cristalle Henares-Pittat direk Quark Henares sa seremonyas kaya tinext namin ang huli.

Sagot sa amin ni direk Quark, ”nasa States ako Reggee.”

Anyway, binati muna namin sina Vicki at Hayden sabay tanong kung bakit wala sina direk Quark at Cristalle sa seremonya.

READ MORE:  Female singer, pinagtataguan ng mga nail salon staff dahil sa kakuriputan

Hindi naman kami sinagot na ni Dr. Vicki hanggang matapos naming sulatin ito.

Inisip na lang namin na sa church wedding sa Paris, France dadalo ang magkapatid na Quark at Cristalle at iba pang pamilya nila na magaganap ngayong taon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved