Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Police station hinagisan ng granada
Police station hinagisan ng granada

Police station hinagisan ng granada

NABULABOG ng malakas na pagsabog ang mga residenteng naninirahan malapit sa Police Community Precinct (PCP) ng Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila, makaraan hagisan ng granada nitong Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng MPD-EOD Bomb Squad, dakong 4:20 am nang makatanggap sila ng tawag kaugnay sa nasabing pagsabog  sa panulukan ng Arellano Avenue at Francisco St., Malate, Maynila.

READ MORE:  Arrest warrant vs Misuari sinuspinde ng Pasig RTC

Napag-alaman, hinagisan ng granada ang nasabing lugar na kinaroroonan ng Arellano PCP ng MPD Station 9, na pinamumunuan ni C/Insp. Paulino Sabulao.

READ MORE:  Bumuhos suporta kay Mar

Napinsala sa nasabing pagsabog ang isang Ford Everest
(TGO 583), Yamaha Mio na walang plaka, at isang FORTUNER (PQ I452), na pagmamay-ari ni Sabulao, nakaparada sa gilid ng naturang presinto.

Base sa pagsisiyasat ng awtoridad, nadiskobre ang isang lever, pull string at fragments na ilang bahagi ng MK2 fragmentation hand grenade na ginamit na pampasabog.

READ MORE:  Senate employees, nasorpresa sa random drug test at P5K dagdag allowance

Batay sa imbestigasyon, isang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo ang naghagis ng nasabing granada.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved