Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P10-M shabu nakompiska sa bahay ng ex-mayor sa Marawi
P10-M shabu nakompiska sa bahay ng ex-mayor sa Marawi

P10-M shabu nakompiska sa bahay ng ex-mayor sa Marawi

MARAWI CITY – Kinompirma ng drug enforcement unit ng Philippine National Police (PNP) sa Marawi City ang pagkakakompiska ng dalawang kilo ng hinihinalang shabu, P10 milyon ang halaga, sa bahay ng isang dating alkalde ng lungsod, nitong Biyernes.

Ayon sa report, nagsasagawa ng clearing operations ang pulisya sa Brgy. Bangon nang makakita ng ilang shabu paraphernalia. Sinundan nila ito hanggang makarating sa bahay ni dating Marawi Mayor Omar Solitario Ali.

READ MORE:  Dagdag na sundalo, pondo sa AFP hiling ni Digong (Banta ng ISIS inamin)

Dito natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu sa isang cabinet sa ikalawang palapag ng bahay.

READ MORE:  Tserman patay sa ambush sa Pasay

Magugunitang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin si Ali sa pagkakasangkot sa kaguluhan sa Marawi.

Kabilang ang pangalan ni Ali sa listahang inilabas ng Department of National Defense (DND) ng mga taong sinasabing may kinalaman sa krisis sa Marawi City at iba pang parte ng Mindanao.

READ MORE:  EO sa nationwide firecracker ban, ipinarerepaso ni Duterte

Isang buwan na ang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at mga teroristang nauugnay sa Islamic State sa Marawi City, nagresulta sa 375 patay, kabilang ang 280 terorista, 69 sundalo at pulis, at 26 sibilyan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved