Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tserman sugatan sa ratrat (Pagkatapos tambangan ang isang ex-Marine)

Tserman sugatan sa ratrat (Pagkatapos tambangan ang isang ex-Marine)

SINISIYASAT ng isang PO1 Andrei Umandac ng MPD PS11 ang sasakyan ng kanyang ama na si Jujie Umandac retiradong Master Sgt ng Phil Marine na sinasabing dating kumandidatong brgy chairman sa Baseco Compound at maugong umano sa kanilang lugar na posibleng maging Presidential appointee ni Pduterte bilang chairman sa naturang lugar,makaraang masawi nang abangan at tambangan ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo. (BRIAN GEM BILASANO)

SUGATAN ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem habang sakay ng kanyang sport utility vehicle (SUV) sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

READ MORE:  P6-M smuggled sugar nasabat sa motorboat sa Zamboanga

Unang itinakbo sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Kristo Hispano, 37, chairman ng Brgy. 649, Zone 88, at residente sa Blk.17A, 1 Bagong Lupa, Baseco, Port Area, Maynila, at kalaunan ay inilipat sa Ospital ng Maynila.

READ MORE:  OFWs sa Syria dinagdagan ng sweldo ng employers (Mahirap pauwiin kahit may giyera)

Ayon sa ulat kay Manila Police District (MPD) Police Station 9 commander, Supt. Rogelio Ramos, naganap ang insidente dakong 9:45 pm habang sakay ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner (ZPR-148) sa panulukan ng Roxas Boulevard at P. Quirino St., Ermita.

READ MORE:  Reso sa Senate probe vs drug killings inihain ni De Lima

Papunta sa Pasay City ang biktima makaraang dumalo sa awards night ng 10 Outstanding Barangay Chairman sa Manila Hotel, kabilang siya sa awardee, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-446 Araw ng Maynila.

Base sa salaysay ng biktima, dinikitan siya ng mga suspek na nakasakay sa dalawang scooter at siya ay pinagbabaril.

Nabatid na nitong Martes, tinambangan at napatay ng riding-in-tandem ang isang retiradong miyembro ng Philippine Marines, na ka-lugar ni Hispano, na si Jujie Lim Umandac.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa politika ang magkasunod na pananambang sa da-lawang biktima.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 
Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved