Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza, may offer na magbida sa Hollywood movie, may imbitasyon din sa Netflix
Liza, may offer na magbida sa Hollywood movie, may imbitasyon din sa Netflix

Liza, may offer na magbida sa Hollywood movie, may imbitasyon din sa Netflix

HINDI lang sa Pilipinas kabi-kabila ang offer kay Liza Soberano. Maging sa Hollywood, dagsa ang project sa alagang ito ni Ogie Diaz.

Sa pakikipaghuntahan naming kay Ogie habang nagkakape, naikuwento nitong may alok sa ibang bansa kay Liza.

“Bida siya kaya lang hindi nila ma-swak a schedule. Isang movie ang offer na siya ang bida. Hollywood movie,” panimula ni Ogie. “Hindi lang nila alam kung sino ang makakasama nito. Maganda ang kuwento at gusto ni Liza ang problema nga lang saan naman namin isisingit.”

READ MORE:  Derek Dee, may advocacy laban sa Hepatitis-C!

Bukod sa Hollywood movie, mayroon ding imbitasyon sa NetFlix. “Iniimbitahan siya nito ang problema rin ay wala kaming maibigay na schedule dahil puno na hanggang December. Hindi naman naming mapagbigyan ang mga imbitasyong ito kasi nga ang mga schedule niya ay inilaan na naming para sa ‘Darna’.”

READ MORE:  Direk Wenn at Ogie Diaz, susi sa pagpasok sa showbiz ni Dyosa Pockoh

Sinasabing uumpisahan na ang shooting ng Darna sa July.

READ MORE:  Shawie at Kiko, lalong pinagtibay ng panahon

“’Ýung sa Netflix, hindi ýun para maging star sa isang series. Gusto lang siyang makilala, makita, at gusto nilang mag-grace si Liza sa okasyon nila sa Singapore,” dagdag pa ni Ogie.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved