Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / PH 1-1 sa FIBA 3×3 World Cup opener (Ginulat ang Romania, kinapos sa France)
PH 1-1 sa FIBA 3×3 World Cup opener (Ginulat ang Romania, kinapos sa France)

PH 1-1 sa FIBA 3×3 World Cup opener (Ginulat ang Romania, kinapos sa France)

GINULANTANG ng Filipinas ang Romania habang kinapos naman sa host country upang umiskor ng 1-1 tabla sa unang araw ng FIBA 3×3 World Cup sa Nantes, France kahapon.

Kumamada ng 12 puntos si Filipino hoops sensation Kobe Paras kabilang ang hu-ling 4 puntos ng Filipinas sa 9-2 bomba nila sa huling minuto upang itakas ang 21-15 panalo kontra #7 seed sa torneo sa Romania.

Naiiwan nang bahagya 13-12 sa mga huling minuto, sumakay ang Filipinas sa likod ng 19-anyos na si Paras nagsalpak ng 2 malamig na free throws sa huling 29 se-gundo upang selyohan ang unang panalo sa Pool B.

Nagpakita rin ng bagsik sa depensa sina Jeron Teng, Kiefer Ravena at JR Quina-han laban sa mas malalaking Romanian.

Kinalaunan kahapon, sumabak ang ika-18 ranggong Filipinas sa host-nation at numero 10 na France ngunit hindi nakaporma sa 22-11.

Hanggang 2-1 lang ang inilamang ng Filipinas at France na ang kumamada hanggang dulo.

Kasosyo ng France ang Slovenia sa liderato ng Group B na pawang may 2-0 marka habang nasa ikatlo ang Filipinas sa 1-1 kartada. Wala pang panalo ang Romania at El Salvador.

Makikipagsalpukan ang Filipinas sa ganap na 1:40 at 3:00 sa Miyerkoles ng ma-daling araw kontra #2 Slovenia at #15 El Salvador, ayon sa pagkakasunod.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved