Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Marawi attackers 120 na lang, bala paubos na (Ayon sa militar)
Marawi attackers 120 na lang, bala paubos na (Ayon sa militar)

Marawi attackers 120 na lang, bala paubos na (Ayon sa militar)

MAAARING mahigit 100 na lamang ang mga mandirigma ng bandidong grupo na omukupa sa maliit na erya ng defensive positions, ayon sa army official kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesperson ng Task Force Marawi, umabot na sa 257 extremists ang napatay sa nakaraang tatlong linggo ng sagupaan at ang nalalabing mga bandido ay nauubusan na ng bala.

READ MORE:  Hostage-taker na bangag todas sa parak (Babae, bata, sugatan)

“More or less, 100 to 120 ang estimate natin ngayon kasi umaabot na ng 257 ang enemy killed na ating naitatala,” pahahag ni Herrera.

“Medyo dwindling na. Humihina ang capability nila dahil nga sa report na paubos na ang bala nila,” aniya.

READ MORE:  Yasay bigong makalusot sa CA (Citizenship kinuwestiyon)

Gayonman, umaabot sa 400 sibilyan pa ang maaa-ring naiipit sa war zone at tinatayang 100 sa kanila ay giangamit na human shields ng mga rebelde, ayon kay Herrera.

Aniya, iniiwasan ng mi-litar ang paggamit ng airstrikes sa posisyon ng non-combatants at sasalakayin ang mga rebelde sa “close combat.”

Samantala, nagpasalamat ang opisyal sa publiko sa pagpapadala ng ilang truck na supplies, pagkain at handwritten letters para sa mga tropa ng gobyerno nitong Linggo.

READ MORE:  BIFF Komander Tambako, 3 pa timbog sa GenSan

“Kayo po ang lakas namin… Kahapon, in the span of a moment, parang nawala ang stress namin dahil sa ipinaramdam po ng mga kababayan natin,” aniya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved