Tuesday , November 4 2025

Castro poproblemahin ng SMB

WHO’S the best guard in Asia?

Siyempre, para sa ating mga Pinoy, ang dabes ay si Jayson Castro. Dalawang beses na njyang nakamit ang taguring ito.

Well, siguro ay may nakakuha na ng karangalan sa mga nakaraang FIBA Asia tournaments, pero sa puso natin, si Castro pa rin ang Best Guard.

At iyan ang pinatunayan ng manlalarong tinatawag na ‘The Blur’ nang pasanin niya ang TNT Katropa tungo  sa best-of-seven championship round ng PBA Commissioner’s Cup kontra San Miguel Beer,

Tinulungan niya ang Tropang Texters na payukuin ang crowd-favorite Barangay Ginebra,  122-109  sa Game Four ng semifinals noong Sabado.

Sa larong iyon ay nagtala si Castro ng 38 puntos upang punan ang matamlay na laro  ng kanyang  330-pound import na si Joshua Smith na may dinaramdam sa paa.

Si Smith ay nagtamo ng injury sa Game Three at nabigo ang Tropang Texters na walisin ang Gin Kings nang sila ay matalo, 125-101.

Ang agam-agam nga ng lahat ay baka makaulit ang Gin Kings sa Game Four at makapuwersa ng winner-take-all Game Five. Dun ay magdedelikado na ang TNT Katropa.

Pero hindi na iyon hinayaan pang mangyari ni Castro.

Kahit na may injury si Smith ay pinunan niya ang kawalan nito.

E hindi nga ba’t bago umakyat si Castro sa PBA ay naging import ito ng Singapore Slingers? So, alam niya kung paano binubuhat ang isang team.

Siya ang nagsilbing import ng TNT Katropa.

At siya ang poproblemahin ng Beermen sa Finals.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Catherine Cruz Batang Pinoy

Pang-4 na ginto, ikinuwintas ni Cruz sa Batang Pinoy 2025

GENERAL SANTOS CITY –Nakamit ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang pang-apat na …

Noah Arkfeld Surfing PSC

Arkfeld, sakay ng ‘alon ng mga pangarap’ patungo sa matagumpay na surfing career

GENERAL LUNA, SIARGAO — Habang karamihan sa mga bata ay nagsisimula pa lamang matutong magbisikleta, …

Franklin Catera Batang Pinoy Games

Batang Pinoy 2025
Catera nagtala ng bagong rekord sa high jump

GENERAL SANTOS CITY –  Umukit ng panibagong record si Franklin Catera ng Iloilo City nang …

ArenaPlus Miguel Tabuena FEAT

ArenaPlus official ambassador Miguel Tabuena becomes the first Filipino to win the International Series Tournament

Ignited with grit and perseverance, ArenaPlus ambassador Miguel Tabuena wins his first International Series trophy …

Greggy Odal Batang Pinoy Games

Unang sabak sa Batang Pinoy, sumungkit ng gold medal

GENERAL SANTOS CITY – Nakitaan ng determinasyon sina MC Greggy Odal ng Davao Del Sur …