Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Warriors nakaresbak sa Cavs (Kampeon sa NBA)
Warriors nakaresbak sa Cavs (Kampeon sa NBA)

Warriors nakaresbak sa Cavs (Kampeon sa NBA)

NABAWI ng Golden State Warriors ang korona matapos nilang tapusin sa Game 5 ang Cleveland Cavaliers, 129-120 kahapon sa Finals ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA).

Inasahan ng Warriors si Durant sa fourth quarter, nagpakawala ng treys para biguin ang Cavaliers at si basketball superstar LeBron James na naghahangad pahabain ang serye.

READ MORE:  Pagkakatalo ng galing galing iimbestigahan ng PHILRACOM

Umiskor si Durant ng 39 points, pitong rebounds at limang assists para ilista ang 4-1 serye at sungkitin ang kauna-unahang NBA title.

May 34 puntos si Stephen Curry habang 20 ang kinana ni Andre Iguodala para sa GSW.

READ MORE:  San Mig vs Alaska

Bago nagsimula ang season, kinuha ng Warriors si Durant mula sa Oklahoma City kaya naging superteam ang Golden State.

Itinanghal si Durant na Finals MVP.

Kumayod si four-time MVP James ng 41 markers, 13 boards at walong assists habang nag-ambag sina Kyrie Irving at J.R. Smith ng 26 at 25 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Cleveland.

READ MORE:  Hernandez, Kid Molave pararangalan sa PSA Awards Night

Lumayo ang Warriors ng 17 puntos sa third quarter pero hindi basta bumigay ang Cavaliers at naibaba ito sa limang puntos sa kalagitnaan ng fourth quarter.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved