Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nawalang mamahaling alahas ni aktres, ‘di pa nakikita
Nawalang mamahaling alahas ni aktres, ‘di pa nakikita

Nawalang mamahaling alahas ni aktres, ‘di pa nakikita

IKINALULUNGKOT ng kanyang mga kaanak at kaibigan ang “twin tragedy” na lumukob sa isang aktres.

Ito ang kuwento. Once ay bumiyahe ang aktres sa ibang bansa. Pero sa kalagitnaan ng kanyang paglilimayon ay inatake siya ng karamdaman at kinailangang i-cut short ang trip.

Bagamat naagapan naman ang kanyang kundisyon, kinambalan naman ‘yon ng isa pang kamalasan. Balita kasing nawawala ang isa niyang mamahaling alahas na dala-dala niya sa biyahe.

Hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang mamahaling jewelry ng aktres pero may suspek na ang kanyang mga kaanak kung sino ang nagkainteres doon.

Da who ang kaaba-abang aktres na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Farida Amparo.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved