Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Nanalong MMA fighter binugbog ng fans
Nanalong MMA fighter binugbog ng fans

Nanalong MMA fighter binugbog ng fans

NASAKSIHAN ang hindi inaasahan at nakakikilabot na eksena sa Glory kickboxing event nitong nakaraang Sabado na ginanap sa Paris, France — dito makikita ang mga fans na sumugod at umakyat sa ring at sadyang binugbog ang Dutch-Surinamese mixed martial arts fighter na si Murthel Groenhart matapos pabagsakin ang kalabang si Harut Grigorian ng Talin, Armenia sa ikalawang round ng kanilang welterweight bout.

READ MORE:  Panaginip mo, Interpret ko: Eroplano bumagsak

Nagpapalitan ng matitinding suntok at sipa ang dalawang mandirigma nang sa hindi pa malamang dahilan ay tinalikuran ni Grigorian ang kanyang katunggali saka nagsimulang maglakad patungo sa kanyang corner.

Agad sinundan ng Dutch-Surinamese champion ang kanyang kalaban at bumato ng malakas na kanan mula sa likod na tumama sa panga ni Grigorian at nagpabagsak sa lona sa Armenian fighter.

READ MORE:  Kuting permanenteng malungkot

Ikinokonsiderang legal ang ginawa ni Groenhart dangan nga lang ay sinasabi ring hindi sportsmanlike.

Gayonpaman, iginawad kay Groehart ang ‘victory by TKO’ na masasabing ikinagalit ng mga fans.

Sa pagdiriwang ni Groenhart sa kanyang panalo, naganap ang hindi inaasahan!

Sumugod ang fans at sinalakay si Groehart habang nasa ibabaw ng ring. Isa sa mga sumugod na may kalakihan at mukhang sanay sa bugbugan ang nagawang suntukin ang Dutch-Surinamese sa mukha at katawan para pangambahang nabasag ang panga sanhi ng pag-atake.

READ MORE:  Ang Zodiac Mo (June 13, 2017)

Ayon sa trainer ni Grigorian na si Nicky Hemmers, tumalikod ang kanyang alaga sa gitna ng labanan dahil nasugatan siya, ngunit inamin din na hindi matiyak ang tunay na dahilan bakit ginawa ito ng Armenian fighter.

ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved