Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Maute sa Metro itinanggi ng NCRPO
Maute sa Metro itinanggi ng NCRPO

Maute sa Metro itinanggi ng NCRPO

WALANG katotohanan ang kumakalat na balita o text messages na may mga miyembro ng Maute terrorist sa Metro Manila, ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko, at idiniing huwag basta maniniwala.

Sinabi ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, inaasahan nila ang kaliwa’t kanang pananakot sa gitna nang maigting na operasyon ng mga tropa ng pamahalaan laban sa mga tero-ristang grupo, tulad ng Maute at Abu Sayyaf.

READ MORE:  ‘Suicide’ ng misis ni Ted Failon hiniling busisiin (Sa ngalan ng katarungan)

Dagdag ng NCRPO director, dapat maging maingat at kalmado ang publiko ngunit hindi ito nangangahulugan na maaapektohan ang mga araw-araw na mga gawain.  Hinihiling ni Albayalde ang kooperasyon ng publiko, tulad ng pagsu-sumbong tuwing may naiiwang gamit o mga taong kahina-hinala ang ikinikilos.

READ MORE:  Tag-init idedeklara ngayong linggo –PAGASA
READ MORE:  Logbook pa ng illegal drug transactions nakompiska sa Bilibid

Nitong nakalipas na ilang araw, ilang text messages ang kumalat sa Metro Manila, sinasabing manggugulo sa NCR ang ilang mga terorista, makaraan mailipat sa Metro Manila ang tatay ng Maute brothers.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved