Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, ‘di kasalanang mapasama sa Top 10 Sexiest Pinay
Maine, ‘di kasalanang mapasama sa Top 10 Sexiest Pinay

Maine, ‘di kasalanang mapasama sa Top 10 Sexiest Pinay

FOR once ay ipagtatanggol namin si Maine Mendoza laban sa kanyang mga basher (well, she’s also one heself!) na kumukuwestiyon ng pagkakasali niya sa Top 10 Sexiest Pinay ng FHM.

Particularly, inaalmahan ng mga netizen ang pisikal na aspeto ni Maine. Bukod sa wala raw itong “hinaharap” (read: boobs) ay wala itong “behind” (read: puwet). In short, mapa-harap at mapa-likod ay walang ipagmamalaking asset ang hitad.

READ MORE:  Denise, gumagawa ng promo para kanyang TV show

Sa philosophical na pananaw, ang kahulugan naman ng kagandahan ay mas nakasentro sa panloob. Sa pagkatao, hindi sa hitsura.

Gasgas din ang linyang beauty is relative, ”Beauty is in the eye of the beholder.” Ang maganda kay Juan ay hindi nangangahulugang maganda sa paningin ni Pedro, and vice versa.

Let’s face it, hindi man smashingly beautiful si Maine tulad ni Liza Soberano o ni Pia Wurtzbach pero may angking ganda siyang kanyang-kanya lang.

READ MORE:  Lance Raymundo, happy sa launching ng single niyang YATO

Lest we forget, ang salita sa titulong “Sexiest” ay maraming kahulugan. Maaaring physically sexy or beyond what we see at face value. Kahit mag-survey pa tayo ng mga kalalakihang celebrity, maging sila’y hindi lang magpo-focus sa pisikal na aspeto ng babae para tawaging sexy.

To top it all, hindi kasalanan ni Maine kung isa siya sa mga napiling pinakaseksing Pinay. After all, she didn’t commission FHM to release the results na pabor sa kanya.

READ MORE:  Matteo, nakakasabay na sa pang-aalaska nina Luis at Billy

Nagkataon lang na kahit anong contest, search o timpalak—pagandahan man o talento ang pinag-uusapan—public votes do matter.

‘Di hamak namang mas katanggap-tanggap ang anila’y kuwestiyonableng pagkakapasok ni Maine sa talaan kaysa kaso ni Jessy Mendiola na nagwagi nga noon pero hindi naman niya na-sustain sa mga sumunod na taon.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved