Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 8 aktibista arestado sa Freedom Day celebration (Sa Kawit, Cavite)
8 aktibista arestado sa Freedom Day celebration (Sa Kawit, Cavite)

8 aktibista arestado sa Freedom Day celebration (Sa Kawit, Cavite)

ARESTADO ang walo katao bunsod nang ‘ginawang’ kaguluhan sa pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, nitong Lunes.

Nagpakilalang mga miyembro ng grupong Bayan at Gabriela, inaresto ng mga pulis ang mga demonstrador nang itaas ang kanilang kamao at sumigaw ng “Huwad na kalayaan!” habang nagsasalita si Senator Panfilo Lacson sa nasabing pagdiriwang.

READ MORE:  Misis itinurong utak sa pagpatay sa ex-husband na seaman

Ang mga inaresto ay isinakay sa police mobile habang patuloy sa pagsigaw at nakataas ang kanilang kamao.

READ MORE:  ‘Holy fish’ mabenta

Sina Lacson at Tourism Secretary Wanda Teo ang nanguna sa nasabing pagdiriwang sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, lugar na iprinoklama ang kalayaan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898

READ MORE:  PNoy hawak sa leeg ni Abad?

Kabilang sa aktibidad ang pag-alay ng bulaklak sa puntod ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa likod ng dambana.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved