Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Zanjoe, aminadong may na-develop sa kanila ni Bela
Zanjoe, aminadong may na-develop sa kanila ni Bela

Zanjoe, aminadong may na-develop sa kanila ni Bela

FINALE week na ang My Dear Heart pero pilit pa ring inili-link sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla.

May chism na nakita ang dalawa na nag-date sa Tagaytay pero hindi nila ito sinagot nang tanungin ng isang katoto.

Fresh ang aura ngayon ni Zanjoe at new look. Mukhang inspirado siya ngayong panahong ito.

Tinanong ang dalawa kung mayroong na-develop sa kanila.

“Mayroon po… friendship,” pakli ng actor. ”Ngayon kasi ang estado namin ay ano pa… taguan ng feelings,” sey pa ni Zanjoe na ikinakilig ng movie press sabay tawanan.

READ MORE:  Sexy actress dinedma ng ex na guwapong aktor sa korte (Para sa custody ng anak…)

“Ngayong patapos na kami, ’yung commitments namin sa show, kailangan talaga buo, 100 percent ibigay namin dahil itong show na ito nagbibigay talaga ng moral lessons sa mga tao. So, ‘di ba? Mahirap haluan pa ng personal na kagustuhan,” pahayag pa ni Zanjoe.

READ MORE:  Sharon, inendoso ang Starting Over Again (Kahit nabalitang may tampo sa Star Cinema)

At dahil isang linggo na lang ang kanilang commitment sa teleserye, puwede na kayang harapin nina Zanjoe at Bela ang commitment nila sa isa’t isa?

“Makikipagkita ka pa ba sa akin?,” tanong  ni Zanjoe kay Bela.

Hindi na nakunan ng reaksiyon si Bela dahil nagtawanan na naman ang mga press people.

Samantala, patuloy na nagbabahagi ng mga aral tungkol sa pamilya, pagmamahal, at pagpapatawad ang ABS-CBN primetime series na My Dear Heart at inaabangan na nga nila ang magiging kapalaran ng batang bida na si Heart sa pagtatapos ng serye at kung ligtas na nga ba siya sa paghihiganti ni Dok Francis (Eric Quizon)?

READ MORE:  Thor, ‘di naniningil kapag benefit show

Tampok din sa serye sina Coney Reyes, Robert Arevalo, Ria Atayde, Rio Locsin, Rio Locsin, Joey Marquez, Susan Africa, Enzo Pelojero, at Loisa Andalio.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved