Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Iza, ikinokonsidera bilang Valentina
Iza, ikinokonsidera bilang Valentina

Iza, ikinokonsidera bilang Valentina

MUKHANG nasa casting stage pa ang pagsasapelikula ng Darna ng Star Cinema with Liza Soberano as the final choice para gumanap bilang Pinay superhero.

Earlier kasi ay balitang si Anne Curtis ang kinuha to play Valentina originally played by Celia Rodriguez (noong nag-Darna si Vilma Santos). Eto’t hindi pumuwede si Anne to give way to another movie na pang-MMFF din yata.

Ang mahusay na si Iza Calzado rin ay ikinonsidera para sa isang role sa Darna but nothing specific yet.

READ MORE:  Vic, gusto nang magka-anak kay Pauleen

Pero kung kami ang tatanungin, hindi mauubusan ang ABS-CBN ng mga bituing swak gumanap bilang mga kalaban ni Darna. Also, if we had our way ay mas excited kaming ibalik ang mga klasikong kontrabida sa kuwento—bukod kay Valetina—na Babaeng Impakta (played by Gloria Romero) at Babaeng Lawin (na ginampanan naman ni Liza Lorena).

READ MORE:  James, sobrang saya sa pagsasama nila ni Bimby

Ang produksiyong Cine Pilipino ang nasa likod ng Lipad, Darna, Lipad that starred Ate Vi. Ito sana ang peg ng Star Cinema.

Again, nakatitiyak na ng tatlong slots ang film arm ng Channel 2 with the hopeful entries na ilalahok nila for selection, the two being Coco Martin’s Ang Panday at ang yet untitled movie ni Vice Ganda.

READ MORE:  Launching movie ng Aldub suportado ni Bossing at EB Dabarkads (Bulaga no. 1 noontime show sa Mega Manila)

But with Darna in the race, box office-wise ay mukhang may tulog ang kay Coco, it might just come in second sa palakihan ng kikitain sa takilya.

‘Yun ay kung ibabalik muli ang commercial movies at hindi mamayani na naman ang mga indie films na hindi nakatulong last years sa revenues ng festival.

HOT, AW!- Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved