Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Extra sweetness nina Angel at Richard, ‘di na bago
Extra sweetness nina Angel at Richard, ‘di na bago

Extra sweetness nina Angel at Richard, ‘di na bago

MASAYA at makabuluhang reunion para kina Angel Locsin at Richard Gutierrez ang pagsasama nila sa presscon ng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi pa rin naman kasi nalilimutan ng marami ang naging pagsasama noon nina Angel at Richard sa Mulawin ng Kapuso.

Nagkaroon ng sariling following ang ChardGel dahil maganda ang ipinamalas nilang chemistry sa mga sinakyan nilang karakter sa nasabing palabas.

Pero nasa past na ‘yun maski pa may tumawag ng Alwina kay Angel sa kanilang presscon.

READ MORE:  Showbiz personality, OFWs minaliit ng Palasyo

Kaya, nang maging extra sweet ang dalawa sa palagayan nila, naintindihan naman ‘yun ng press. Dahil na rin sa haba ng pinagsamahan nila na muling mangyayari sa set ng La Luna.

Ayon kay Chard, “Ang sarap ng feeling na makakatrabaho ko ulit si Angel kasi sabay kami nag-start. It’s good to see familiar faces and work with them…Angel’s been a vital person in my career. It’s nice to do a reunion project.”

READ MORE:  Joseph sa mga artistang gumagamit ng droga — Discipline yourselves

Tutuloy sa pelikula ang pagsasama nila with another Angel, the Panganiban sa Wife, Husband, Wife sa Star Cinema.

Wala namang nakikitang mga pagbabagong kailangang maganap sa muli nilang pagsasama ni Chard.

Kulang naman ang mga salita ng pasasalamat ni Chard sa mga blessing na dumating sa kanya ngayon. Being the family man he is now, hindi maikakaila may inspirasyon siya na nagtutulak para mas magsikap pa siya na tuparin at gampanan ang bagong oportunidad na inihain sa kanya.

READ MORE:  Willie, ‘di raw dapat tumakbong Senador

Mga action scene ang aabangan kay Chard sa serye.

Halo ang reaksiyon ng netizens sa pagbabalik ng dalawa. May nega na ang itinapon ng kabila eh, sinalo ng katapat. Pero marami rin ang nagsasabing su-swak kay Chard ‘yung sinasabing he will bloom where he’s planted.

Tried and tested na sa mga naglipat-bahay ‘yan. ‘Di ba? Lilipad at lilipad sila and their wings won’t be clipped!

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved