Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Korupsiyon sa Camp Bagong Diwa ugat ng riot
Korupsiyon sa Camp Bagong Diwa ugat ng riot

Korupsiyon sa Camp Bagong Diwa ugat ng riot

IBINUNYAG ng isang inmate ng Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, na init ng ulo dahil sa mga tiwaling prison official ang ugat ng riot ng mga preso nitong Martes, na ikinamatay ng dalawang inmates at 15 ang nasaktan.

Ayon sa nasabing inmate na tumangging magpabanggit ng pa-ngalan, mainit ang ulo ng mga preso dahil sa kawalan ng tubig at kor-yente sa piitan na pinagkakakitaan ng mga opisyal.

READ MORE:  Duterte absent sa 2 summit

Aniya, hinihingian ang mga preso ng P1 mil-yon para sa mga generator at pambili ng transformer na nasira mahigit isang linggo na ang nakararaan.

Nakakalap aniya ang mga inmate ng P500,000 para sa generator ngunit surplus ang binili ng mga opisyal kaya nasira ito makaraan lang ang dalawang araw.

Dagdag ng source, may patong ang mga o-pisyal sa mga paninda sa preso at hinahadlangan ang mga bisita na magpasok ng mga pagkain.

READ MORE:  Wagi sa cara y cruz nirapido sa lamay

Talamak din aniya ang droga sa MMDJ dahil hinahayaan itong makapasok ng mga opisyal.

“Ang mga isiniwalat ko sa inyo ay ang dahilan kung bakit buryong ang mga tao sa MMDJ,” aniya.

Dagdag niya, lumala ang riot ng Bahala Na Gang at Sputnik Gang dahil hindi sila inawat ng mga bantay.

READ MORE:  Faeldon ikinulong sa Senado (Ayaw harapin sina Lacson at Trillanes)

“Hindi dapat lalala ang problema kung inawat lang nila kaagad, ang problema ang sabi ni (jail warden) Taol sa mga tauhan niya ay pabayaan na muna at mapapagod din ang mga nagra-riot, hanggang may napatay kaya naghanap ng bawi ang magkabilang pangkat,” kuwento ng source.

Hindi pa nakukuha ang panig ng mga opis-yal ng MMDJ hinggil sa alegasyon.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved