Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Isko Moreno nagparamdam na sa mga katropang brgy officials (Sa congress at lakbay-aral ng mga barangay…)
Isko Moreno nagparamdam na sa mga katropang brgy officials (Sa congress at lakbay-aral ng mga barangay…)

Isko Moreno nagparamdam na sa mga katropang brgy officials (Sa congress at lakbay-aral ng mga barangay…)

‘Yan ang malaking usapan ngayon ng mga opisyal sa iba’t ibang barangay na kabilang sa mga naging masaya sa idinaos na BARANGAY CONGRESS 2017 sa Baguio City at Lakbay-Aral naman sa Baler, Aurora.

Kung inaakala ng iba na nananahimik na ang political career ni dating vice mayor Isko Moreno ay nagkakamali sila dahil buhay na buhay at aktibo ang kanyang makinarya sa barangay level.

Sabi ng barangay officials ng LIGA na nagtungo sa Baguio City, tila hindi pa rin pala nakalilimot sa pagbati at pagpapasaya sa barangayan si Isko kahit bihira nila itong makita matapos maolat nitong nakaraang eleksiyon.

Naglalakihan ang kanyang tarpaulin ng pagbati sa mga barangay officials.

May nakasulat na “MABUHAY, LIGA CONGRESS 2017, Batang Maynila, I M Isko Moreno!”

‘Yan daw agad ang unang makikita sa entrada ng Crown Legacy Hotel?!

By the way, anong ginagawa ng mga bataan ni Yorme Erap? Bakit raw ang liit ng tarpaulin ni Erap at halos hindi na mapansin?

Sayang ang pinapasahod sa inyo ni Mayor ‘ba!

Eto pa, namigay pa ng mga jacket na kulay puti/pula at may tatak na IM sa barangay officals.

Hindi lang natin makompirma kung may pakimkim na sobre sa barangay officials na haping-hapi sa Baguio trip nila?!

Ganoon din ang naramdaman ng mga opisyal ng mga barangay sa 5th at 6th District na nakasama kamakailan sa BRGY. LAKBAY ARAL 2017 na ginanap naman sa Baler, Aurora, Quezon.

Ang tema ng seminar ay seminar patungkol sa effective barangay planning etc.

Very visible rin ang malalaking tarpaulin ni Isko casino ‘este Moreno?!

Wattafak!?

Kuwento ng ilang urot na barangay officials sa dalawang magkaibang barangay junket tour ‘este workshop seminar e mas malaking bilang pa rin daw ang LIGA ng mga barangay na nagtungo sa Baguio.

Ibig nilang sabihin ay mas malakas pa rin daw ang boladas ‘este hatak ni Isko sa ghost employees ‘este mali’ barangay officials pala.

Mukhang ngayon pa lang ay kailangan nang mag-doble kayod ang mga bataan ni YORME ERAP para ma-counter ang puwersa nitong si Isko sa mga barangay.

Huwag puro bulsa n’yo ang inaatupag ninyo!

Ayusin ninyo ang makinarya ni Yorme Erap sa mga barangay!

Para naman may pakinabang si Erap sa inyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved