Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P5-M utang sa Meralco umutas ng 2 preso, 17 sugatan (BJMP district jail sa Camp Bagong Diwa naputulan ng koryente)

P5-M utang sa Meralco umutas ng 2 preso, 17 sugatan (BJMP district jail sa Camp Bagong Diwa naputulan ng koryente)

060817_FRONT
PATAY ang dalawang preso habang 17 ang sugatan sa naganap na riot sa loob ng Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, nitong Martes ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga presong sina Lucky Natividad, miyembro ng Bahala na Gang, at Gerald Tolentino, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, kapwa may mga tama ng saksak sa katawan.

READ MORE:  Dagdag-sahod epektibo sa NCR

Habang ang 17 sugatan, kabilang ang apat na kritikal ang kondisyon, ay nilalapatan ng lunas sa infirmary facility ng na-sabing piitan.

Base sa report kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Serafin Barreto, dakong 6:50 pm, nagsagawa ng noise barrage ang mga preso dahil isang linggo nang walang koryente sa kanilang selda.

READ MORE:  4-ektaryang komunidad natupok sa Boracay

Bukod sa madilim ang kulungan ay napakainit sa loob kaya posibleng nairita at naburyong ang mga preso kaya nagsagawa ng noise barrage na humantong sa riot.

READ MORE:  3,500 toneladang ginto nailabas sa PH ng LP

Paliwanag ni Barreto, naputol ang supply ng koryente dahil sa hindi nabayarang P5 milyon electric bills. Ang piitan ay kasalukuyang guma-gamit ng generator.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

ni JAJA GARCIA

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved