Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P3-M alahas, cash ng doktora tinangay ng kasambahay
P3-M alahas, cash ng doktora tinangay ng kasambahay

P3-M alahas, cash ng doktora tinangay ng kasambahay

PINAGHAHANAP ang isang kasambahay makaraan tangayin ang P3 mil-yon halaga ng mga alahas at pera ng kanyang among doktora sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Rochelle Cabe, 25, tubong Samar.

READ MORE:  Kahirapan public enemy no. 1 – INC

Salaysay ng biktimang doktora na tumangging isapubliko ang kanyang pangalan, nadatnan niyang hindi naka-lock ang kanyang kuwarto at nawawala ang vault dakong 9:00 pm.

READ MORE:  Army major isasalang sa court martial (Tiklo sa anti-drug ops)

Sa footage ng CCTV ng barangay, nakita ang pagsakay ni Cabe sa tricycle dala ang malaking vault na tinakpan ng tela.

Kahit mabigat, naisakay ni Cabe sa tricycle ang vault sa tulong ng katiwala ng katabing bahay.

READ MORE:  Suspek sa masaker lango sa droga’t alak, arestado (Lola, ina pinagsasaksak bago ginahasa)

Inamin ng doktora na hindi siya nagsagawa ng background check sa kasambahay na dalawang linggo pa lang naninilbihan sa kanya.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved