Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chemistry nina Angel at Richard, ‘di pa nawawala
Chemistry nina Angel at Richard, ‘di pa nawawala

Chemistry nina Angel at Richard, ‘di pa nawawala

MARAMI ang natutuwa na after ten years ay magkasama ulit sina Angel Locsin at Richard Gutierrez  sa La Luna Sangre at sa isang pelikula with Angelica Panganiban.

Happy at excited si Angel na makatrabaho ulit si Chard. Gusto rin niyang makita kung paano nag-grow si Richard bilang actor sa loob ng 10 taon na hindi nila pagsasama.

READ MORE:  Anak ng negosyante, pinabigyan ng endorsement ang crush na singer

Hindi pa rin nawawala ang chemistry ng dalawa.

Anyway, iba ang sayang nararamdaman ni Angel na ipagpapatuloy nina Daniel Padilla at  Kathryn Bernardo ang sequel ng Lobo at Imortal.

“I’m very happy na isu-surrender namin itong next project sa kanila kasi sa tingin namin eh hihigitan pa nila ang nagawa namin (Angel, Piolo Pascual, at John Lloyd Cruz),” deklara ni Angel sa presscon ng La Luna Sangre na magsisimula sa June 19 sa Primetime ng ABS-CBN 2.

READ MORE:  Lloydie, ayaw nang magdetalye kung naghiwalay nga ba sila o hindi ni Angelica

Excited din si Angel na makitang nagpa-fight scene si Daniel dahil idol niya ang tito nito (Robin Padilla). Hindi rin siya magugulat kung may pasabog din si DJ pagdating sa fight scenes.

May bilin din si Angel sa KathNiel na laging alagaan ang sarili nila sa mga fight scene. Mag-ingat at huwag iasa ‘yung safety nila sa ibang tao.

READ MORE:  Gustong magbalik pelikula

Kasama rin sa La Luna Sangre  sina  Joross Gamboa, Gelli De Belen, Ina Raymundo, Randy Santiago, Sue Ramirez, Tony Labrusca, atBryan Santos. Ito ay sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved