Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Mamuhay tulad ni Harry Potter sa Japan
Mamuhay tulad  ni Harry Potter sa Japan

Mamuhay tulad ni Harry Potter sa Japan

MAAARING ipagmalaki ng Singapore ang kanilang Harry-Potter-themed ngunit mas minamataan ngayon ng mga Potter fans ang sumisikat na “The Wizarding World of Harry Potter” sa Universal Studios Japan na matatagpuan sa Osaka.

Talagang mas pinataas ng Japan ang antas ng Potter experience sa ‘Expected Inn’ sa Fukuoka sa isla ng Kyushu. At alam n’yo ba ang ‘best par’ nito?

Maaaring mag-book ng stay sa pamamagitan ng online reservation sa online travel rental site na Airbnb.

READ MORE:  Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao)(Part 7)

Base sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry na hinango sa serye ng mga pelikulang Harry Potter. Layunin ng pa-mosong inn na i-replicate o gayahin ang nararamdaman na maging isang novice wizard-in-training.

Mula sa brick at marble-like walls sa mga chandelier at lumang mga painting, ang dekorasyon sa ‘Expected Inn’ ay tunay na magpapaalala sa walong installment ng serye na talaga namang bumighani sa buong mundo sa kasaysayan at mga adventure ng bidang si Harry Potter.

READ MORE:  Amazing: Tupa gagawing mobile WiFi hotspots

Taglay ang dalawang silid-tulugan, maluwag na living room, at magandang dining at kitchen area, ang tatlong-palapag na tahanan ay maaaring makapag-accommodate nang hanggang 16 na wizard-to-be, mangkukulam, at siyempre, maging mga muggle.

Kombinyente rin ang lokasyon ng ‘Expected Inn’ na matatagpuan maka-raan ang sampung-minutong paglalakad mula sa major railway station sa Fukuoka na Hakata JR station.

Resulta ang ‘Expected Inn’ sa ideya ng real estate company na Reqrea, Inc. na nagdesisyong “to kill two birds with one stone.”

READ MORE:  Panaginip mo, Interpret ko: Mga artista biglang dumating

Para sa Reqrea, ang layunin nila ay masolusyonan ang kakulangan ng accommodation para sa mga turista, at kasabay nito’y mapaunlad na rin ang market value ng mga bakanteng apartment at rental home. Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng pag-convert at paglilista sa Airbnb para sa mga naglalakbay.

ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved