Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kasalanan ng RWM

Kasalanan ng RWM

00 Kalampag percyKUNG ipinatutupad sana ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang batas ay hindi sana naganap ang paghahasik niJessie Javier Carlos ng lagim noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 38 katao sa casino ng Resorts World Manila (RWM) sa Pasay City.

Maliwanag na walang ibang responsable na dapat managot sa pangyayari kung hindi ang operator at management executives ng RWM dahil sa tahasang pagbalewala nila na ipatupad ang batas.

Binabalewala ng RWM at ng mga casino sa buong bansa na lisensiyado ng PAGCOR ang Presidential Decree No. 1067-B na nagbabawal  sa sinomang empleyado at opisyal ng gobyerno na pumasok sa casino at iba pang mga pasugalan.

Sentido-komon lang na hindi sana nalulong sa casino at pagsusugal si Carlos kung siniser-yoso ng PAGCOR at ng mga pribadong casino ang mahigpit pa man din na direktiba ni Pang. Rodrigo R. Duterte sa ilalim ng nilagda-ang Memorandum Circular No. 06 nito lamang February 2017.

Ngayong naganap na ang isang malagim na trahedya at maraming namatay ay saka hinalungkat ang nakaraan ni Carlos na dating empleyado ng Department of Finance (DOF) para mailihis palayo sa PAGCOR at RWM ang sisi sa kapabayaan na ipatupad ang batas.

READ MORE:  Alam na alam ni BS Aquino

Si Carlos, dating Tax Specialist I sa One Stop Shop Tax Credit and Duty Drawback Center ng DOF, ay sinibak ng Ombudsman sa serbisyo noong 2014 sa kasong grave misconduct and gross neglect of duty.

Ang desisyon ng Ombudsman ay nag-ugat sa inihaing kaso laban kay Carlos ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS), isa pang tanggapan sa DOF, noong December 2011.

Ayon sa Ombudsman, nabigo raw ipaliwa-nag ni Carlos ang nabiling property sa Tanauan City, Batangas na binayaran ng P4 million cash noong 2010 pero hindi deklarado sa kanyang Statement Assets, Liabilities and Networth (SALN), gayong ang gross income niya mula 2001-2011 ay aabot lamang sa P2.46 million.

Nasilip din ang malaking pagkakautang ni Carlos sa credit card na umabot sa P5 million noong 2010 at ipinag-utos ng Ombudsman na sampa-han din siya ng criminal case at paglabag sa Section 7 ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) in relation to Section 8 of RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), Article 171(4) (Falsification) and Article 183 (Perjury) of the Revised Penal Code.

READ MORE:  Valenzuela sa ‘kuko’ ni Mayor Rex Gatchalian

Masyadong naging malupit ang Ombudsman kay Carlos na isa lamang karaniwang empleyado sa harap ng katotohanang hindi mabibilang ang mga opisyal sa gobyerno na natitiyak nating hindi maipapaliwanag ang kanilang yaman. Hindi pagnanakaw ang kaso ni Carlos. Kaya siya nasibak sa serbisyo ay hindi niya naipaliwanag kung saan niya kinuha ang ipinambili ng property na hindi nagtagal ay naibenta rin niya at ang pinagbentahan ay naubos din sa demonyong casino.

Ang ipinambili ni Carlos sa property ay posibleng napanalunan niya sa sugal kaya hindi niya naideklara sa kanyang SALN dahil alam ni-yang ipinagbabawal sa mga tulad niyang empleyado ang magsugal sa casino, tulad ng sinapit ni yumaong Land Transportation Office (LTO) chief Virgie Torres na nasibak sa puwesto matapos makuhaan ng larawan na naglalaro ng slot machine sa loob ng casino.

Pero sadyang kakambal talaga ng bisyong pagsusugal ang kamalasan sa buhay, pero hindi lamang si Carlos ang dapat sisihin sa mga pangyayari kung ‘di ang PAGCOR at RMW na dapat magpatupad ng batas. Ang sinapit ni Carlos ay isa lamang sa madidilim na kuwento sa loob ng mga casino at ng mga nalulong sa pagsusu-gal.

READ MORE:  Bad joke

Kahit itanong n’yo pa kay dating congressman Amado Bagatsing at kay dating vice mayor at talunang senatorial candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na sa dami ay mahirap bila-ngin ang mga empleyado at opisyal ng pamahalaan na nagbababad sa mga casino.

Katunayan, kasamang nadamay sa RWM ang maybahay ng isang congressman sa Pampanga at bale ba ay kabalen pa naman ni PAGCOR chair Andrea “Didi” Domingo.

CHAIRMAN NG LAWTON
NAAKTOHAN SA COD

KAMAKAILAN, ang inyong lingkod ay nagsampa ng kaso sa Ombudsman laban sa isang barangay official sa Maynila na naaktohan natin habang nagsusugal at pumipinta ng baraha sa City of Dreams sa lungsod ng Parañaque.

Ang kinasuhan natin ay si Barangay Chairman Ligaya Santos na may sakop sa Plaza Lawton, ang sentro ng pinakamalaking illegal terminal sa Maynila.

Kayo na ang bahalang kumuwenta kung magkano inaabot ang kabuuang koleksiyon na kinikita sa isang buwan.

Buti na lang, wala si Santos sa RWM nang maganap ang casino tragedy!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved