Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gay radio/TV personality, isinusuka ng radio station
Gay radio/TV personality, isinusuka ng radio station

Gay radio/TV personality, isinusuka ng radio station

ISINUSUKA pala ng isang radio station ang gay radio/TV personality na ito na dating naglingkod doon.

Partikular na kinamumuhian siya ng kanyang mga dating kasamahan noong mayroon pa siyang programa sa madaling araw.

One time raw ay may naglambing na staff sa kanya, kung puwede raw ba’y magdala naman siya ng pagkain. Pare-pareho nga naman nilang inuumpisahan ang araw ng pagtatrabaho nang napakaaga.

Sagot ng baklang personalidad, ”Oy, hindi ko obligasyong pakainin kayo, ‘no!” Mula noon, ni biro’y hindi na nila inaawitan ng lafang ang beking ‘yon na ngayo’y nasa iba nang radio station at may teleserye pang kinabibilangan.

Da who ang bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Sharmaine LaLoma.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved