Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Erik Matti interesado kay Sharon Cuneta
Direk Erik Matti interesado kay Sharon Cuneta

Direk Erik Matti interesado kay Sharon Cuneta

NAPAKA-IN-DEMAND pala ngayon ni Direk Erik Matti, kaya sa 2018 na raw umano niya mahaharap ang bagong version ng “Darna” na pagbibidahan ni Liza Soberano sa Star Cinema.

Bukod raw sa pinagkakaabalahang movie nina Anne Curtis at Brandon Rivera na “Buy Bust,” malapit na rin daw simulan ni Direk Erik ang movie ni Jennylyn Mercado na co-production ng Regal Entertainment at Reality Entertainment ng mag-inang Dondon at Mother Lily Monteverde.

Pagkatapos may sequel pa siyang ginagawa na interesado ang director na pagbidahin si

Sharon Cuneta kasama ang isang malaking aktres din.

Andeng payag kaya sa prenup sa kasal nila ni Anton sa A Love To Last?

Nakuha nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) ang blessings ni Lukas (JK Labajo) at ni lola Mame (Perla Bautista) ni Andeng. Payag na ang dalawa sa pag-iisang dibdib ng kanilang mahal sa buhay.

READ MORE:  Shooting ng Praybeyt Benjamin, napabilis dahil kay Kris

Ngayong nalalapit na ang kasal ng dalawa sa “A Love To Last” ay nagsisimula na namang umepal si Grace (Iza Calzado) kasama ng sulsolera nitong mommy na si Dianne (Carla Martinez) na inuudyukan siyang papirmahin sa isang prenup agreement si Andeng bago pakasalan ni Anton.

Ganito rin ang gustong mangyari ng daddy ni Anton na si Tony (Tirso Cruz III) na katuwiran nila, dapat ay masiguro ang future ng mga anak nina Anton na sina Chloe (Julia Barretto), Lukas at Kitty (Hanna Lopez-Vito).

Pero iba ang paniniwala ni Andeng, sa pre-nup, pinagduduhan siya nina Grace at Tony na pera lang ang habol niya kay Anton. Sa simula’t simula pa lang ay marami na ang kontra sa relas-yon ng TonDeng at ngayong nakuha na nila ang loob nina Lola Mame at Lukas heto at may panibagong pagsubok na haharapin ang soon to be husband and wife.

READ MORE:  Happy Birthday Sir Jerry!

Samantala siguradong marami na naman ang kinilig sa episode ng ALTL na hinarana ni Anton si Andeng.

Napapanood ang nasabing romantic family drama weeknights pagkatapos ng mas kapana-panabik na nalalapit ang pagtatapos na My Dear Heart sa ABS-CBN Primetime Bida.

DOC FRANCIS CAMILLUS DINAKIP
SA SALANG ATTEMPTED MURDER
KAY HEART SA LAST 8 HEARTBEATS
NG “MY DEAR HEART”

Dahil pinalakas ng kanyang Nanay Clara (Bela Padilla) ang kanyang loob ay nagawa ni Heart (Nayomi Ramos) na isulat sa papel ang pangalan ni Doc. Francis Camillus (Eric Quizon) na gusto siyang gawan ng masama.

Pagkatapos noon ay hindi na iniwan pa ni Carla si Heart at nagkunwari kay Francis na wala siyang alam sa maitim na balak nito kay Heart na tulad ng kanyang daddy, si Doc. Albertus (Robert Arevalo) ay gusto niyang patayin.

READ MORE:  Kiana nabigla, napaamin sa relasyon nila ni Sam

Mabuti na lang at naitakas ni Dra. Margaret (Coney Reyes) dahil kung hindi ay baka malamig na bangkay na si Albertus. Sa pakikipag-ugnayan ni Jude (Zanjoe Marudo) sa nahuling asset o tao ni Doc Francis at sa pulisya ay nadakip ang demonyong doctor.

Shocked si Dra. Gia Lana (Ria Atayde) sa kanyang nasaksihan at humingi ng sorry kay Heart dahil nagtiwala kay Francis.

Anong parusa ang nag-aantay sa nasabing doktor na punong-puno ng inggit sa katawan? Habang buhay ba si-yang makukulong para pagbayaran ang kawalanghiyaan?

Abangan ‘yan sa last 8 heartbeats nights ng My Dear Heart na napapanood after ng “FPJ’s Ang Probinsyano” Book 2. Malapit nang bumalik sa serbisyo si Cardo at sa pagkakataong ito ay mga terorista na pinamumunuan ni Lito Lapid kasama sina Mark Lapid, Jhong Hilario, Ronwaldo Martin ang kanyang makakasagupa.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved