Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating aktres, napraning nang mabuko ang ukol sa bunsong anak
Dating aktres, napraning nang mabuko ang ukol sa bunsong anak

Dating aktres, napraning nang mabuko ang ukol sa bunsong anak

SA mga past family event ng dating aktres ay hindi na niya isinasama angbunsong anak na babae dahil nadala na siya noong minsang may okasyon ang pamilya ay may bisita siyang may karay-karay na hindi kilala ng lahat.

Na-praning ang pamilya ng dating aktres kasi nga hindi naman nito ipinakikilala na may anak siyang babae na bata pa. Ang alam kasi ng lahat ay malaki na ang bunso nito.

READ MORE:  Cesar, natulala at nakalimot sa love scene nila ni Maria Ozawa

May mga ilang close friends si dating aktres na alam ang kuwento tungkol sa bunsong anak na babae, pero hindi na ito inilalabas pa kasi ayaw na raw nilang magulo ang buhay ng bagets kasama na ang mga kapatid nitong pinasok na rin ang showbiz.

READ MORE:  Cedric Lee, nag-post ng bail sa kasong kidnapping

Ang kaso, ang bisitang kinaray ng close friend ng aktres ay naikuwento sa ilang taong may koneksiyon sa showbiz kaya ending, nakilala na kung sino si bagets at kung sino ang tatay nito.

READ MORE:  Marco Gumabao lumipat ng Viva, pag-angat pa ng career inaasahan

Kaya medyo napa-praning ngayon ang dating aktres kasi nga ayaw niyang mailathala ang tungkol sa bunsong anak.

Sabagay, hindi pa panahon dahil bata pa nga at ang ama ng bata ay very much married ngayon at kilala rin sa showbiz.

(Reggee Bonoan)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved