Friday , April 19 2024

Cabagnot lider sa BPC derby

SORPRESANG nangunguna sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Race si Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen, ayon sa opisyal na datos na inilabas ng PBA kamakalawa.

Sa koponang tulad ng SMB na mayroong tulad ng 3-time MVP at Philippine Cup BPC na si JuneMar Fajardo, biglaang hawak ng tinaguriang “Crunchman” ang manibela sa pagtatapos ng eliminasyon matapos gabayan ang Beermen sa 9-2 kartada.

Nagrehistro si Cabagnot ng all-around performance na 15.1 puntos, 6.6 rebounds, 5.4 assists and 1.4 steals kada laro para sa ka-buuang 34.7 statistical points (SPs).

Sumegunda si Stanley Pringle ng Globalport Batang Pier sa kanyang 33.4 SP at tersera si Japeth Aguilar ng Ginebra sa 32.4 SPs. Kinompleto ni Fajardo (32.2 SPs) at Batang Pier Terrence Romeo (31.5 SPs) ang Top 5 na kandidato para sa pinakamataas  na parangal ng komperensiya.

Nakasabit sa Top 10 sina Jayson Castro ng TNT (31.3 SPs), Marcio Lassiter (31.2 SPs) at Chris Ross (30.9 SPs) ng San Miguel pa rin, LA Tenorio ng Ginebra (30.2 SPs) at Baser Amer ng Meralco (29.6 SPs).

Samantala, bagamat tatlong laro pa lamang nakasasalang para sa Star Hotshots ay nasa tuktok na agad ng Best Import derby si Ricardo Ratliffe sa likod ng kanyang halimaw na 65.7 SPs na binuno mula sa 34.7 puntos, 21.0 rebounds at 3.3 supalpal.

Ikalawa sa kanya ang nagbabalik na import na si Justin Brownlee ng Ginebra sa 53.5 SPs habang kinompleto nina Greg Smith (52.9 SPs) ng Blackwater, Jameel McKay (47.7 SPs) ng Phoenix at Cory Allen Jefferson (47.4.) ng Alaska ang Top 5.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *