Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea del Rosario, nagiging aktibong muli sa showbiz
Andrea del Rosario, nagiging aktibong muli sa showbiz

Andrea del Rosario, nagiging aktibong muli sa showbiz

UNTI-UNTING nagiging aktibong muli sa showbiz si Andrea del Rosario. Nag-lie low siya sa pagiging aktres noong nakaraang halalan nang kumandidatong Vice Mayor ng Calatagan, Batangas. Matapos manalo at ma-ging ganap na public servant, ngayon ay nahaharap na ni-yang muli ang kanyang first love, ang acting.

Ayon sa aktres/politician, masaya siyang makapagtrabaho ulit bilang aktres dahil first love raw niya ang pro-pesyong ito. “Oo naman, nami-miss ko rin kasi, ganoon talaga iyon eh, hahanapin mo rin talaga ang showbiz.

“Happy ako na nagiging active ulit sa showbiz, because at the end of the day, it’s my bread and butter, I need to work. First love ko ang acting, it’s my outlet. Iyong mga gusto kong iiyak, doon ko na lang iniiyak,” nakangi-ting esplika ni Ms. Andrea.

READ MORE:  Angeline, ‘di sinasadyang gayahin ang lahat ng gawi ni Regine

Aktibo mang muli sa showbiz, maliwanag sa kanya kung ano ang priority sa buhay. Kaya binabalanse niya ang oras bilang ina, aktres, at Vice Mayor.

Esplika niya, “Mahirap, ha-limbawa ngayon ay may taping, sa biyahe lang ay bugbog na ang katawan mo, e. So, ‘pag may work ako sa showbiz, I work. Siyempre, it’s local politics… they want you there. Iyong mga ganitong problems, pambili ng gatas ni ganito, inaway ni ganyan, pinalayas sa puwesto, naputulan ng ilaw… gusto nilang makapagsumbong sa iyo, e.”

READ MORE:  Side A, SouthBorder, True Faith mapapanood sa Music Hall!

Paano kung papiliin lang ng isa sa tatlong iyon ano ang pipiliin niya? “Ang motherhood ay number one sa akin, they can say all they want, but I will prior-itize my daughter and my health. Kasi if something happens to me, who will take care of her?”

Ang 6-year old niyang anak na si Beatrice Anne ay ipina-nganak na may congenital condition na tinatawag na Jejunal Atresia. Pagkapanganak pa lang ay inoperahan agad si Bea (nickname nito) para maiayos ang komplikasyon sa kanyang small intestine. Dumaan sa apat pang operasyon ang munting anghel ni Andrea at nang bumuti ang ka-lagayan nito, after one year ay nilagyan naman ng G-tube sa kanyang tiyan dahil sa pag-kakaroon ng “short gut” syndrome. Although ngayon ay okay na si Bea.

READ MORE:  Rannie, iniangal ang mga baguhang singer na ‘di marespeto

Bukod sa i-lang TV guesting ay bahagi si VM Andrea ng pelikulang Fan Girl, Fan Boy ng Viva Films na tina-tampukan nina Ella Cruz at Julian Trono.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved