Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ulo ng Maute, ISIS ‘hiniling’ ni Duterte

Ulo ng Maute, ISIS ‘hiniling’ ni Duterte

060617_FRONT
PATAYIN na ninyo lahat ng hawak ninyo hindi ako makikipag-usap sa inyo.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng pagdedeklara na hindi na siya makikipag-negosasyon sa Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) dahil kamatayan ang katapat ng terorismong inilunsad nila sa Marawi City.

“I will not negotiate. Wala akong pakialam kung anong gawain ninyo ngayon diyan. You do it because pag-abot ng panahon kung nakakaintindi kayo ng Bisaya, I will not spare your life,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa Cebu City kamakalawa ng gabi.

Nanggagalaiti sa galit ang Pangulo partikular sa mga dayuhang terorista na dumayo pa sa Filipinas para maghasik ng lagim sa Marawi gamit ang pondong mula sa illegal drug business ng Maute brothers.

Mas gugustuhin ng Pangulo na makitang bangkay ang mga terorista kaysa arestohin, ikulong at pakainin pa ng pamahalaan.

“Marami na akong patay na sundalo pati pulis. I will not talk to you. A anong sabihin ng mga tao, mga leaders nila, wala akong pakialam. Kaya kayong nandiyan, lumaban na kayo nang husto, kasi ang order ko talaga, dalhin ninyo ang ulo ng mga p****** i**** ‘yan. So the next time you encounter these idiots, kill them. Wala akong silbi sa kanila, wala rin akong panahon magpakain at wala akong pera,” ani Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

Alok ni Duterte:
P10-M SA ULO NI HAPILON
Tig-P5-M sa Maute bros

NAG-ALOK ng P10 mil-yon reward si Pangulong Rodrigo Duterte para sa ‘ulo’ ni Isnilon Hapilon, emir ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Filipinas.

Bukod kay Hapilon, tig-P5 milyon patong sa ulo ang itinakda ni Pa-ngulong Duterte sa magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Nauna rito’y naglaan ang Amerika ng US$5 milyon reward para sa ulo ni Hapilon, itinuturing ng US bilang isa sa most wanted terrorists.

Sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año, welcome sa AFP ang pahayag ng Pangulo at umaasang magreresulta ito sa neutralisasyon ni Hapilon.

“This reflects the resolve of the administration to get the terrorists dead or alive to finally end the conflict in Marawi City. We are positive that through our President’s latest pronouncement, we will see the same support and assistance that our people and the local government have given us in our previous accomplishments in the Bohol incident,” sabi ni AFP Public Affairs Chief Colonel Edgard Arevalo.

(ROSE NOVENARIO)

Kapag pinagkutaan ng terorista
MOSQUE AT OSPITAL
BOBOMBAHIN

HINDI mangingimi ang tropa ng pamahalaan na bombahin kahit ang Mosque kapag doon nagtago ang hinahabol na mga terorista sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press brifieng sa Palasyo kahapon.

“There are provisions, may exception ‘yun maski sinong taong armado na nag-harbor sa isang lugar maging hospital man ito o places of worship kung sila ay nagpupumilit at manatili doon, may provision do’n internationally na puwede silang gamitan ng karahasan,” ayon kay Padilla.

Aniya, hangga’t maaari ay iniiwasan ng tropa ng gobyerno na mag-lunsad ng aksiyong militar sa mga pagamutan at Mosque.

“Pinag-aaralan namin mabuti ‘di ko sasabihing titirahin pero pinag-aralan namin mabuti may kautusan si chief of staff we will avoid doing that as much as possible,” ani Padilla.

Batay sa ulat, gina-gamit na kalasag ng mga terorista ang mga sibil-yan at ang mga Mosque ay lunsaran ng kanilang pag-atake sa siyudad kaya nahihirapan ang puwersa ng pamahalaan na pasukin ang mga pinagkukutaan nila.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved