Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Security lapses sa Resorts World iniimbestigahan ng PNP-SOSIA
Security lapses sa Resorts World iniimbestigahan ng PNP-SOSIA

Security lapses sa Resorts World iniimbestigahan ng PNP-SOSIA

SINIMULAN na ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang imbestigasyon kaugnay sa pag-atake sa Resorts World Manila, na ikinamatay ng 38 katao.

Nakipagpulong ang mga opisyal ng PNP-SOSIA sa operations mana-ger at security personnel ng NC Lanting Security Specialist Agency, ang ahensiyang nagbibigay ng seguridad sa casino hotel.

READ MORE:  P7-B sinisingil ng Ayala Group ‘di pa babayaran — Purisima

Iniutos ng PNP sa security agency na magsumite ng kopya ng security plan, na pinaniniwalaan ng mga awtoridad na hindi ipinatupad.

Kinuwestiyon din ng mga opisyal kung bakit ang security personnel ay hindi nakasuot ng proper uniform kundi barong lamang.

READ MORE:  Ex-chief security aide ni Kris new PAF chief

Sinabi ng operations manager ng Lanting, walang baril ang mga guwardiya nang maganap ang insidente dahil sila ay hindi nakasuot ng proper uniform.

Sinabi ng security agency, sila ay nag-deploy ng 68 personnel nang maganap ang insidente.

Ayon sa security agency, inatasan silang magbantay sa perimeter ng gusali at hindi sa mismong casino dahil mayroon itong in-house security.

READ MORE:  19-anyos ex-con itinumba sa Pasay

Dagdag nila, female security personnel ang nakatalaga sa entrance dahil ito ang nais ng Resorts World Manila ma-nagement.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved