Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pocari, Balipure tatapusin ang kalaban
Pocari, Balipure tatapusin ang kalaban

Pocari, Balipure tatapusin ang kalaban

TATAPUSIN na ng  Pocari Sweat at BaliPure ang magkahiwalay na kalaban sa Game Two ng best-of-three semifinal round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap na 4 pm ay magkikita ang defending champion Pocari Sweat at Power Smashers. Magkikita naman ang BaliPure at Creamline sa ganap na 6:30 pm.

Dinaig ng Pocari Sweat at BaliPure ang kanilang kalaban sa series opener noong Sabado.

READ MORE:  Perlas, nagkasya sa ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup

Tinalo ng Pocari Sweat ang Power Smashers, 25-23, 25-19, 23-25, 22-25, 15-12, samantalang  binigo ng BaliPure ang Creamline, 22-25, 25-23, 25-14, 25-21.

Sa Game One, ang Pocari Sweat ay binuhat ng Amerikanong import na si Michelle Strizana na gumawa ng 20 puntos. Nakatulong niya sina Myla Pablo (16), Jeanette Panaga (14) at Desiree Dadang (13).

Ang Power Smasher ay sumasandig sa  mga Thai imports na sina  Kannika Tipachot at Hyapha Amporn kasama nina Jovelyn Prado, Katherine Villegas, Alina Bicar at Dimdim Pacres.

READ MORE:  Subido humakot ng medalya (Paralympics)

Ang mga imports ng BaliPure ay sina Jeng Bualee at Jennifer Keddy. Katuwang nila sina Gretchel Soltones at Aiko Urdas.

Ang Creamline ay pinamumunuan ni Alyssa Valdez at mga imports na sina Kuttika Kaewpin at Laura Schaudt.  Ang iba pang stars ng team ay sina Aerieal Patnongon, Coleen Bravo, James Suyat, Janet Serafica, Ivy Remulla, Pau Soriano, Joyce Palad, Aurea Racraquin at Jonalyn Ibisa.

READ MORE:  Samboy Lim patuloy sa paggaling

Sa men’s division ay naghaharap ang Sta. Elena at Cignal sa ganap na 10 am. Magkikita naman ang Army at Air Force sa ganap na 1 pm.

Nakauna ang Army at Sta. Elena sa best-of-three serye at kung mananalo ulit sila mamaya ay didiretso na sila sa Finals.

(SABRINA PASCUA)

COMMENTS

About Sabrina Pascua

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved