Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / PAGCOR dapat din umalalay sa mga lulong sa sugal
PAGCOR dapat din umalalay sa mga lulong sa sugal

PAGCOR dapat din umalalay sa mga lulong sa sugal

MASAKLAP ang nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 38 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Hindi man ito gawa ng mga terorista, base na rin sa konklusyon ng PNP, isang malagim na kabanata pa rin ito na maituturing sa mata ng publiko at maging sa mga kapit-rehiyon ng bansa.

Kahindik-hindik ang naganap, bunsod hindi ng terorismo kundi dahil sa matinding pagkagumon sa sugal ng suspek na dating empleyado ng Department of Finance. Naburyong sanhi ng patong-patong na utang bukod pa sa ban sa kanya sa mga casino.

READ MORE:  Emergency services ng QC, pinaigting pero sana walang kumita sa 160 ambulance  

Parang droga rin ang pagka-adik sa sugal. Maraming buhay ang sinisira. Ilang pamilya na rin ang nawasak at ilang kinabukasan ang nauwi sa wala dahil sa bisyong Ito.

Marami ang nagka-casino bilang libangan at hindi natin ito minamasama lalo pa’t kung sariling pera nila ang ginagastos, walang naabuso at hindi napababayaan ang pamilya at mga responsibillidad.

READ MORE:  Ang mala-kontrabidang peg ni senadora bow

Pero lahat nang sobra at hindi tama, lalo na kung ito ay bisyo na at nakapeprehuwisyo na, hindi lamang sa nagsusugal kundi sa kanyang pamilya at kaanak, dapat na itong tigilan.

Ito marahil ang isang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Amusment and Gaming Corp., (PAGCOR).

READ MORE:  Estandardisasyon sa suweldo ng gov’t employees lahatin na (Hindi lang para sa PNP)

Hindi ‘yung kung paano lamang kikita sa mga legal na pasugalan gaya ng mga casino. Obligasyon ng pamahalaan ang kanyang mamamayan na nagka-casino o nagsusugal upang hindi malulong sa bisyo at kung paano mapapanatili ang kanilang pagiging responsable.

Dapat magkaroon ng programa ang gobyerno para sa mga nababaon sa utang dahil sa pagkagumon sa sugal para ‘di mauwi sa ganitong trahedya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved