Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kulelat ba ang intel ni Defense USec Ric David Dayunyor?
Kulelat ba ang intel ni Defense USec Ric David Dayunyor?

Kulelat ba ang intel ni Defense USec Ric David Dayunyor?

ILANG panahon rin nating na-missed ang pangalan ni ex-Immigration chief, Ric David Jr., sa pahayagan.

Undersecretary na pala siya sa Defense Department, anyway, he’s really from military, ‘di ba?!

Ang hindi natin maintindihan, batay sa nasaba nating balita sa isang pahayagan, parang kulelat ang reliability ng ‘Intelligence’ ni Usec. David.

Ayon sa Indonesian Defense Minister, 1,200 na raw ang ISIS members na nasa Filipinas.

Wattafak!?

Marami ang naniniwala rito, lalo’t maraming napapatay na dayuhan sa hanay ng Maute sa nagaganap na sagupaan ngayon sa Marawi.

Ito ay inihayag ni Indonesian Defense Minister  Ryamizard Ryacudu sa international security forum noong nakaraang Linggo.

Tinawag ni Ryacudu na ‘killer machines’ ang mga miyembro ng ISIS. Dahil ang ultimong layunin daw ng grupong ito ay pumatay ng mga tao.

Pero, ayon kay Usec. Dayunyor, hindi raw niya alam ‘yung 1,200 na sinasabi ni Ryacudu. Ang alam daw niya mayrong 250-400 ISIS sa Filipinas.

Wattafak agen?!

Paano ba natin paniniwalaan si Usec. Dayunyor, ‘e ‘yung pangyayari nga lang sa Marawi, hindi ba’t nabulaga na lang sila nang biglang lumusob ang Maute?!

‘E pakuya-kuyakoy lang ‘ata siya sa opisina niya gayong alam naman pala niya na mayroong 250-400 ISIS sa bansa?!

Que 100 o 200 pa ‘yan ‘e terorista pa rin ‘yan na naghahasik ng lagim sa bansa natin!

Tapos ‘yan, kumilos lang sila nang kubkubin ang Marawi.

Sino ngayon ang napipinsala?! Ang mga sibilyan at pamilya ng mga sundalo at pulis na naroroon ngayon sa Marawi para labanan ang ISIS.

Hindi ba puwedeng, imbestigahan munang mabuti ni Usec. Dayunyor ang sinasabi ng Indonesian Minister  bago niya i-rebat?!

‘Yan kasi ang problema sa ibang mga naitalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang administrasyon— puro retarded na ‘este retired na puro recycle pa!

Sana ay magtalaga naman ang Pangulo ng mga medyo bata-bata at hindi ‘yung recycle na wala rin naman napatunayan nang italaga sila ng mga dating pangulo.

Nasasayang po ang salapi ng bayan na ipinasusuweldo  sa  mga  recycle  na  appointee  pero  wala  na-mang mahusay na track record.

Mabibilis lang kasi silang ‘sumampay’ sa llamado pero pakaang-kaang naman kapag nabigyan ng puwesto.

‘Yung bago naman po na productive, please naman po?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Tata Joy Kalbo kolektong ni Tata Bong Tong Cruz sa MPD PS-7

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved