Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Daig pa ang droga ng pagkalulong sa sugal sa casino
Daig pa ang droga ng pagkalulong sa sugal sa casino

Daig pa ang droga ng pagkalulong sa sugal sa casino

Nakita natin sa kaso ni Resorts World tragedy, gunman Jessie Javier Carlos na hindi kailangang bangag sa ilegal na droga para maganap ang isang trahedya na hindi na malilimot ng sambayanan at kahit ng mga dayuhan.

Wala umanong masamang bisyo, using different kind of substances gaya ng alak at ilegal na droga si Carlos, pero grabe ang pagkalulong niya sa sugal.

Sa grabeng pagkalulong niya ay nasira ang relasyon niya sa kanyang pamilya, nasira ang trabaho at naubos ang kanyang kabuhayan.

At nang ma-realize niya kung ano ang nangyari sa kanya, naisip pa niyang gumawa ng mas matinding problema — na nadamay pati ang ibang indibiduwal na wala namang kinalaman sa nangyari sa buhay niya.

Parang lumalabas na gusto niyang gantihan ang casino, pero nadamay pa ang iba tao at mga empleyado na inaasahan ng kanilang mga pamilya.

Ang pagkawasak ng pamilya at pagkasaid ng kabuhayan ay hindi na bago sa mga nalulong sa Casino.

Paulit-ulit ang kuwentong ‘yan lalo sa mga hindi maawat at hindi makontrol ang pagkahilig sa casino.

Marami sa kanila ang nasa kama na, ‘e bigla pang  lumagapak sa sahig. Hindi na dumaan ng papag!

Bukod tangi kasi na sa mga bansang kabilang sa 3rd world, dito lang sa Filipinas na sandamakmak ang casino pero hindi naman nakatutulong sa gobyerno at sa taongbayan.

Wala rin pakialam ang mga casino rito kung bumaliktad ang bulsa at tumaob ang kabuhayan ng local players.

Hindi gaya sa ibang bansa na mismong ang casino ang nagtatakda ng limitasyon sa mga local player nila.

Sa Singapore at Macau ay mahigpit na iminomonitor ang mga local player na malakas magpatalo sa casino.

Kaya sa mga suki natin na medyo nararahuyo sa kinang ng casino, mag-isip-isip po kayo.

Wala pong ‘buenas’ at grasya sa casino.

Minsan lang ‘yan. Mas malakas ang talo at madalas disgrasya pa ang aabutin ninyo.

May kasabihan nga noon, kung may kagalit o kaaway ka ay isama at turuan mong mag-casino!

Huwag na natin ulitin ang kuwento ni Jessie Javier Carlos, na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang ginawang prehuwisyo sa kapwa.

Umiwas sa casino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved