Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Angat chairman timbog sa pagdukot, pagsunog sa 2 tao
Angat chairman timbog sa pagdukot, pagsunog sa 2 tao

Angat chairman timbog sa pagdukot, pagsunog sa 2 tao

INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa kanyang bahay ang  chairman ng Brgy. Pulong Yantok sa Angat, Bulacan, kahapon.

Idinadawit ang suspek na si Apolonio Marcelo sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Edeltrudes Tan, 59-anyos, at driver na si John Jason Ruyo.

Base sa imbestigasyon, papunta ang mga biktima sa poultry farm ni Tan noong 25 Marso nang sila ay dukutin.

READ MORE:  Relasyon ng PH sa Arab nations ‘di apektado

Pagkaraan, natagpuan ang abandonadong sasakyan sa Norzagaray, Bulacan. May mga tama iyon ng bala at mga bakas ng dugo.

Ayon sa kaanak ni Tan, mag-iisang linggo ang lumipas nang may tumawag sa kanila at humihingi ng US$2 milyon, o katumbas ng halos P100 milyon, para matubos ang mga biktima.

Bunsod nito, dumulog ang mga kaanak sa PNP-Anti-Kidnapping Group.

Ngunit nagkaroon ng lead ang mga awtoridad nang sumuko ang isang nagpakilalang tauhan ni Marcelo.

READ MORE:  Cayetano, Brillantes nagkainitan sa Senado (Comelec chair inutil)

Kuwento nang sumukong suspek, nasugatan ang mga biktima bunsod ng pamamaril habang sila ay dinudukot.

Binawian ng buhay ang mga biktima kaya sinunog ang kanilang bangkay at ibinaon sa lupang pag-aari mismo ni Marcelo.

Pinuntahan ng pulisya ang subdibisyon na pinagbaunan sa labi ng mga biktima. Natagpuan doon ang ilang bahagi ng katawan ng dalawang biktima.

READ MORE:  .5-M iskolars ng PDAF wala pang pondo

Ayon sa pamilya ni Tan, may utang na P6 mil-yon sa kanila si Marcelo.

Mariing pinabulaanan ng suspek ang mga alegasyon. Giit ni Marcelo, ni minsan ay hindi siya nadawit sa ano mang kaso.

Bukod sa kasong pagdukot at pagpatay, nahaharap din sa kasong illegal possession of firearms si Marcelo dahil nakuha mula sa kanyang bahay ang mga hindi lisensiyadong baril.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved