Saturday , May 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Alok ni Duterte: P10-M sa ulo ni Hapilon (Tig-P5-M sa Maute bros)
Alok ni Duterte: P10-M sa ulo ni Hapilon (Tig-P5-M sa Maute bros)

Alok ni Duterte: P10-M sa ulo ni Hapilon (Tig-P5-M sa Maute bros)

NAG-ALOK ng P10 milyon reward si Pangulong Rodrigo Duterte para sa ‘ulo’ ni Isnilon Hapilon, emir ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Filipinas.

Bukod kay Hapilon, tig-P5 milyon patong sa ulo ang itinakda ni Pangulong Duterte sa magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Nauna rito’y naglaan ang Amerika ng US$5 milyon reward para sa ulo ni Hapilon, itinuturing ng US bilang isa sa most wanted terrorists.

Sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año, welcome sa AFP ang pahayag ng Pangulo at umaasang magreresulta ito sa neutralisasyon ni Hapilon.

“This reflects the resolve of the administration to get the terrorists dead or alive to finally end the conflict in Marawi City. We are positive that through our President’s latest pronouncement, we will see the same support and assistance that our people and the local government have given us in our previous accomplishments in the Bohol incident,” sabi ni AFP Public Affairs Chief Colonel Edgard Arevalo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top