Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald, proud na makasama si Claude-Michel Schonberg
Gerald, proud na makasama si Claude-Michel Schonberg

Gerald, proud na makasama si Claude-Michel Schonberg

NASA London ngayon ang Prince of  Pop na si Gerald Santos na nagre-rehearse ng Miss Saigon UK Tour na magsisimula sa July 1. Safe naman sila sa kabila ng mga kaguluhang nangyayari sa lugar.

Hindi naman natatakot si Gerald pero nagtatanong kung bakit ba ang gulo-gulo na ngayon. Katatapos lang kasi niyong Manchester at heto na naman.

READ MORE:  Sikat na young actor, flop ang concert sa Subic?

“Theres a Terrorist Attack again.. This time here at London Bridge.. Whats happening nowadays.. May Gods protection always be upon us! þ,”mababasa sa Twitter account ni Gerald.

Pinayuhan din siya ng kanyang manager na si Dr. Rommel Ramilo na iwasan muna ang mga matataong lugar.

Tugon ni Gerald, ”Prayers will protect me Kuya. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa akin o sa mga kasamahan ko sa ‘Miss Saigon’.”

READ MORE:  Patang-pata na, wala nang brilyo ang personalidad!

Anyway, proud si Gerald nang makasama niya sa isang picture ang French record producer, actor, singer, songwriter, and musical theatre composer na si Claude-Michel Schonberg. Siya ang composer ng Miss Saigon at Les Miserables.

READ MORE:  Lovi, ngaragan ang pagpapa-sexy

“At last a picture with THE Claude-Michel Schonberg!! I must say his presence in the rehearsals is “really terrifying” in a very good sense and it gives us more motivation and pump! #MissSaigonUK #Ireland #Tour #TheComposer #LesMiz #MissSaigon #TheMaestro #Perfectionist #GeraldSantosAsTHUY,” caption niya sa kanyang Instagram Account.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved