Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diego at Sofia, inspirado at nagtutulungan
Diego at Sofia, inspirado at nagtutulungan

Diego at Sofia, inspirado at nagtutulungan

BASE sa tumatakbong kuwento ng Pusong Ligaw noong Biyernes ay inamin na niSofia Andres (Vida) kay Potpot (Diego Loyzaga) na napulot nito ang pera ng huli na gagamitin sana niya sa pang-enrol.

Pero ang masama ay nagastos ng dalaga ang perang hindi kanya kaya nagwawala ang binata dahil nga kailangan na niyang mag-enrol.

Samantala, inaabangan na ang horror movie na Bloody Crayons nina Diego at Sofia na ipalalabas na sa mga susunod na linggo pagkatapos ng Can We Still Be Friends.

READ MORE:  Social Media Queen title, naagaw na ni Mocha kay Kris

Ang Bloody Crayons ay one year in the making dahil nag-back out na ang direktor na si Quark Henares at si Topel Lee ang pumalit bukod pa sa nagkaroon ng re-casting dahil ‘yung iba ay hindi na pumuwede sa schedule na ibinigay naman ng bagong direktor.

READ MORE:  Andrea at Raikko, magbibida sa Wansapanataym special

Kasama sa pelikula sina Elmo Magalona, Janella Salvador, Ronnie Alonte, Empoy, Maris Rascal, Yves Flores, at Jane Oineza.

Going back to Diego and Sofia, halatang inspirado sa isa’t isa base sa kuwento ng mga taga-production ng Pusong Ligaw dahil nagtutulungan lalo na kapag magka-eksena.

READ MORE:  Daiana diborsiyada na, mga lalaking nauugnay ‘di totoong pineperahan

Pero siyempre, hindi pa rin patatalo ang  ibang cast ng Pusong Ligaw pagdating sa pag-arte dahil pagalingan sina Joem Bascon, Bianca King, Beauty Gonzales, atRaymond Bagatsing at take note, hindi nagpapahuli ang komedyanteng si Shalalabilang si Asyong.

Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved