Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Caravan ng Piston tatapatan ng LTFRB

Caravan ng Piston tatapatan ng LTFRB

NAKAHANDA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa nakatakdang malawakang protesta na ikinasa ng grupong PISTON kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw.

Ayon kay LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada, inatasan na ang mga regional director ng ahensiya para makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

READ MORE:  62-anyos ina tinangkang halayin ng anak

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang LTFRB sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Una rito, inianunsiyo ng PISTON na magsasagawa sila ng transport caravan sa Metro Manila.

Magkakaroon anila ng tigil-pasada sa ilang bahagi ng Visayas, kabilang ang Capiz, Aklan, Iloilo at Negros Occidental.

READ MORE:  13-anyos HS girl ginilitan, 9 beses sinaksak ng rapist na uncle

Susubukan ng grupo na magsagawa ng rally sa Mindanao sa kabila ng deklarasyon ng martial law roon dahil sa pagsalakay ng mga terorista sa lungsod ng Marawi.

Layon ng protesta na ipakita ang pagtutol ng grupo sa plano ng gobyerno na i-phaseout ang mga jeepney.

READ MORE:  OMB chair Ronnie Ricketts, 4 pa kinasuhan ng graft

Habang iginiit ni Lizada, tanging mga bus at UV Express van lamang na may edad 15 taon pataas ang sakop ng phaseout sa ilalim ng omnibus franchising guidelines, na nakatakdang opisyal na pirmahan sa 19 Hunyo.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved