Wednesday , April 24 2024

Anne, itinangging gaganap na Valentina sa Darna

NILINAW ni Anne Curtis sa interbyu sa kanya ng abscbnnews  na hindi totoong kinausap siya ng Star Cinema para gumanap na Valentina saDarna movie.

Pero sakaling alukin siya, sinabi niyang handa siyang gampanan ang villain role na iyon.

Matatandaang inamin na kamakailan ni Liza Soberano na siya ang gaganap na Darna.

Unang ginampanan nina Celia Rodriguez, Cherie Gil, Alessandra De Rossi, at Iwa Moto ang papel na Valentina.

ELISSE AT MCCOY,
PRESSURED
NA MAGKATULUYAN

060517 elisse mccoy mclisse

BAGAMAT hindi naman sinasabi nina Elisse Joson at Mccoy de Leon na hindi nila gusto ang isa’t isa, tila napi-pressure naman sila sa kagustuhan ng kanilang fans, ang magkatuluyan.

Ani Elisse, sakaling magustuhan nila ang isa’t isa ni Mccoy, natural iyong lalabas at hindi kailangang madaliin o pilitin.

Basta ine-enjoy muna nila kapwa ang mga proyektong magkasama sila tulad ng paglabas ng una nilang single, ang If We Fall In Love at ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Samantala, kapwa kinakabahana at masaya sila sa pagka-release ng unang single nilang If We Fall In Love na orihinal na kanta ni Yeng Constantino.

Ani Elisse, excited siya at the same time kabado. Samantalang inamin ni Mccoy na matagal na niyang pangarap na mapasama ang kanilang single sa theme songs ng kanilang ginagawang seryeng Kung Kailangan Mo Ako.

DIREK ANTHONY
HERNANDEZ, HINDI
MUNA MAHAHARAP
ANG TELESERYE

060517 Aiko Melendez Direk Anthony Hernandez NGH

HINDI kataka-takang hangaan ang isang Anthony Hernandez dahil mula sa pag-aalaga ng mga artista, nakagawa siya ng short film, at nabigyang pagkakataong makagawa ng full length film.

Hindi rin basta-bata pelikula ang ginagawa ng isang Anthony Hernandez dahil karamihan dito’y advocacy film. Kaya naman siguro hindi rin malayo na alukin siyang gumawa ng teleserye.

Subalit ayon nga kay Direk Hernandez, mawawalan siya ng oras para gumawa ng mga pelikulang tulad ng ipalalabas sa Setyemre, ang New Generation Heroes kung pagtutuunan niya ang paggawa ng teleserye.

“Pero, hindi ko naman talaga tinatanggihan ang pagte-teleserye. Siguro tatapusin ko muna itong mga natanguan kong project, tapos tingnan natin, aayusin ko muna ang schedule ko,” sambit niya sa amin nang makausap sa pocket presscon ng pelikulang handog ng Golden Tiger Films na tinatampukan nina Anita Linda, Aiko Melendez, Joyce Peñas, at Jao Mapa.

Nakilala si Direk Hernandez sa paggawa ng mga advocacy films tulad ng A Passion of Journey, istorya ukol sa human organ trafficking na pinagbidahan ni Matteo Guidicelli.

Nakawalong pelikula na si Direk Hernandez kasama rito ang Buhay Nanay, Surrogate Mother, No Read No Write, at Tell Me Your Dreams. Ang huli ay pinagbibidahan din ni Aiko at ukol sa teacher na nagturo sa kabundukan at kinalinga ang mga katutubo.

Tulad ng Tell Me Your Dreams, ukol din sa istorya ng mga guro ang bago niyang handog na pelikula, ang New Generation  Heroes, dahil aniya, ”Ang ‘Tell Me Your Dreams’, talagang tribute namin sa teachers and indigenous people, kaya luckily nakuha namin si Aiko for that movie and happy naman kami sa kinalabasan. Napakahusay kasi talaga niya, saludo ako sa galing niya, kaya nasundan pa siya ng ‘New Generation Heroes’.

“Ang ‘New Generation Heroes’ kasi is based on true events. Ito ay nagpapakita ng apat na klase ng mga guro, na may kanya-kanyang kuwento. Makikita rito sina Salvacion Fajardo, Gener, Lolita, at Cora, ang apat na indibidwal na humaharap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay. Kung paano sila magpapakita ng katatagan ay siyang titimbang sa kanilang pagkatao. At kung paano sila gumawa ng desisyon sa bawat pagsubok ay siyang sasalamin kung paano sila hinubog ng panahon at mga leksiyon na natutuhan nila sa kanilang buhay, na sa kabila ng pagiging ordinaryong tao, ay matatawag din silang mga bayani ng makabagong henerasyon.”

Kasabay ng New Generation Heroes, tinatapos din ni Hernandez ang Ang Kuwento ng Piso na pinagbibidahan naman ni Empoy.

SHOWBIZ KONEK Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *